Mackenzie's POV
"Pasaan tayo?" tanong ko but he just shrugged
"You told me to take you away, I don't know where we're going." emotionless na sabi 'nya kaya naman napa-facepalm nalang ako
"I'm kidding, we're going to an private island." sabi 'nya at agad naman na kuminang ang mata ko
"Waaah! Really? Saan!?"
"Aish. You're too loud. Just sleep, malayo pa tayo." sabi 'nya. Malayo pa? Hindi ba 'sya mapapagod mag-drive?
Tiningnan ko ang features ni Kai habang naka-side view 'sya. Ang itim at magulo 'nyang buhok, that he brushes using his hand everytime he gets frustrated. Nakakapal at perpekto 'nyang kilay na laging nakakunot tuwing na-aasar 'sya. Ang mahahaba at malalantik 'nyang pilik mata na kina-iingitan ko, ang malalim na asul 'nyang mga mata na lumulunod sa'akin tuwing tinititigan ko, ang matangos 'nyang ilong, that he used to pinch the nosebridge everytime something goes wrong. Ang malalambot at mapupula 'nyang mga labi, that he bites everytime na nahihirapan 'sya sa isang bagay. And his perfect jawline na umiigting tuwing nagaglit 'sya. All of them is perfect the way they are.
"Sleep." utos 'nya at bahagya akong nilingon kaya naman napaiwas ako ng tingin at ibinaling ang tingin sa labas. 8:30 na at mahigit isang oras na kaming nagba-byahe, nakapagpa-alam na rin ako kila mommy at daddy. Sumandal ako sa gilid at napangiti at paunti-unting nakatulog. I'm with Kai
•••
Nagising ako ng may maramdaman akong hapdi sa noo ko. Nagmulat ako at nakitang seryosong nakatingin si Kai sa'akin
"Aray! Ang sakit!" sigaw ko dahil pinitik 'nya nanaman ako sa noo
"OA. We're here." pa-irap na sambit ni Kai at tumingin sa labas kaya tumingin 'rin ako 'doon. Nasa isang pier kami, marami-rami 'rin ang tao dito at samu't-sari ang binebenta ng mga taong nagtitinda
Pinagkunutan ko ng noo si Kai, "Bakit tayo naandito?"
"I told you we're going on an island. We'll take my private yacht." sabi 'nya at bumaba ng kotse 'nya, bumaba 'rin naman ako kaagad kasi alam kong hindi ako pagbubuksan ng gentleman na 'to.
"You have a yacht?!" tanong ko at binilisan ang paglalakad to catch up with him kasi nahuhuli ako sa bilis 'nyang maglakad
Nilingon 'nya ako at nginisian, "I'm rich." he said it like it was the most obvious thing in the world. I mentally rolled my eyes
Nang makarating kami sa aming paroroonan ay pinagmasdan ko ang malaking bangka sa harap ko. I couldn't help but gasp at bewilderment
"Come on." sabi ni Kai at hinila ako palapit sa'kanya. I flinched when our skin made contact.
"Wow." bulong ko sa sarili ko at pinagmasdan ang kabuuan ng yacht. We're filthy rich pero hindi pa ako nakakakita ng ganito
"Make yourself comfortable. It's gonna be six long hours." he said and sat on a sofa-like chair. Uupo sana ako sa kalapit 'nya but he strectched his knees, invading all the space. How nice.
Ngumuso ako at umalis 'dun. Lumapit ako sa dulo ng yacht at humawak sa railings. Napaigtad ako ng magsimulang gumalaw ang yacht. Pinagmasdan ko ang mga waves na nadadaanan namin, kita ko na rin ito dahil malapit na mag sunrise, pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na sumampal sa'akin, blowing my hair and my dress freely. Tahimik akong nakapipikit nang maramdaman 'kong gumalaw ang railing at may kumaluskos sa tabi ko. Napamulat ako at tiningnan ang tabi ko
"Kai." sambit ko sa pangalan 'nya, he ignored me and continued gazing at the waves and the almost-orange sky
"Why did you like me?" he asked out of blue habang nakatingin parin sa kawalan