CHK# 5: FirstDayNewSchool

15 2 2
                                    

"Good morning!" nakangiting bungad sa'akin ni Carmen sa kusina namin

"Problema mo?" tanong ko. Naandito ulit 'sya sa bahay namin at kumakain ngayon sa kusina namin habang nagluluto naman si Manang Poly

"Problema ko? Ikaw! Pasukan na, nililipad pa rin ang utak mo!" inis na sabi ni Carmen at inirapan ako. Bipolar ba 'to? Nakangiti kanina tapos ngayon naman wagas maka-irap

Tinignan ko naman ang suot 'nya at nakitang naka-uniform 'sya ng pang Great Harrison Academy. Ito ay kulay Maroon na skirt na above knee ang haba, tapos White na polo shirt sa loob tapos Maroon na blazer at may kulay Maroon din na necktie

"Anong oras ba ang pasukan?" tanong ko at umupo sa harap 'nya

"Mga 8:30" sabi 'nya at sumulyap sa relo na suot 'nya

"Ang arte naman ng school ni Kai myloves, ang init na nga sa Pilipinas tapos pang-ibang bansa pa ang uniform! Ang banas kaya 'nyan!" sabi ko at pinagmasdan ulit ang suot 'nyang uniform

"Oy wag ka! Ang cute kaya! Dun ka na nga, mag-ayos ka na. Nilagay na daw ni Manang Poly ang uniform mo. Mamaya ka na kumain pagkatapos mong mag-ayos." sabi ni Carmen at kumagat sa French Toast 'nya

Tumayo naman ako at pumunta ulit sa taas para mag handa para pumasok. Excited na ako dahil makikita ko na si Kai! Isang linggo ko rin 'syang nakita dahil ang huling kita ko sa'kanya ay noong ibinalik 'nya sa'akin ang pouch ko

Bumaba na ako para kumain nang makaligo na ako at maisuot ang mainit na uniform. Pumunta naman ako sa kusina at nakitang naka-upo pa rin 'dun si Carmen habang nagce-cellphone. Umupo naman ako sa harap 'nya at nagsimulang kumain ng French Toast

"Tara na." sabi ni Carmen nang makitang tapos na akong kumain. Tumango naman ako sa'kanya at sabay kaming pumunta sa garadge para kuhain ang kotse ko at ang kotse 'nya


Great Harrison Academy

"Whoo!" huminga ako ng malalalim bago kami pumasok ni Carmen sa malaking school

"Hi! Transferees?" lumapit sa'amin ang isnag babae na may tatlong alipores na nakasunod sa'kanya, ngumiti 'sya - ng peke

"Yeah." sabi ko naman at sinuklian ang ngiti na binigay 'nya

"Oh. Welcome to GHA!" sabi 'nya gamit ang matinis na boses. Nakita ko naman na napangiwi si Carmen sa tabi ko kaya tinaasan 'sya ng kilay nung babaeng lumapit sa'amin

"I'm Lalaine Dela Tera, the reigning queen of this university for the past two years." pagmamalaki 'nya, napa-taas naman ang kilay ko at napatawa ng kaunti

"Pake ko?" bulong ni Carmen at nakinig naman yata ito ni Lalaine - the reigning queen of this university for the past two years. Tch

"What's your problem? Bitches." sabi 'nya at umirap sa'amin. Luh? Anong ginawa ko 'dun?

"Punyetang bitchosa." sabi ni Carmen kaya tumawa ako

Dumiretso kami sa Guidance Office dahil 'dun daw makukuha ang class schedule. Magkaklase kami ni Carmen sa first period at fourth period ngayong araw kaya sabay kaming pumunta sa unang klase namin

"Good morning class. Some of you are transferees, kaya hindi 'nyo ako kilala. My name is Mrs. Cerano Fuentares" sabi ng di katandaan na teacher sa harapan namin

"Kilala 'nyo na naman siguro ang isa't-isa kaya I'm only going to ask the new students to introuduce themselves in front. We only got three transferees anyway." sabi ulit ni Mrs. Fuentes

Pumunta kami ni Carmen sa unahan at nagpakilala

"My name is Mackenzie Silvestre, 19 years old" simpleng sabi ko lang at bumalik sa upuan ko

Chasing Kai HarrisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon