A/N: Ito po 'yung time na nagkasakit si Carmen at pinuntahan 'sya ni Trevor sa bahay nila *○*
Carmen's POV
Napamulat nalang ako ng may marinig akong may kumalabog mula sa labas ng kwarto ko. Napabangon agad ako ngunit napadaing ako ng maramdaman ko matinding sakit ng ulo. Fck! May sakit nga pala ako!
"SINO 'YAN!?" malakas na sigaw ko mula sa kwarto ko. Kaysa naman tumayo ako ay sisigaw nalang ako
Naandito ako ngayon sa condo ko dahil ang boring sa bahay, puro mukha ng mga katulong ang nakikita ko
Bumangon na ako dahil walang sumasagot, hindi naman pwedeng magnanakaw 'iyon dahil exclusive ang condominium na ito. Baka naman si Kenzie lang
Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko ay bumungad sa'akin ang living room at ang sira kong pintuan
WAIT WHAT?! BAKIT SIRA ANG PINTO KO?
Napatakbo ako 'dun at tinignan ang labas. Wala namang tao sa labas. Bakit sira ang pinto ko!?
"H-hi, Carmen." sabi ng isang baritonong boses mula sa likod ko kaya naman hinarap ko 'sya at agad na nag-usok ang ilong ko ng makita 'kung sino 'yun
"TREVOR?! Bakit ka naandito? Bakit sira ang pinto ko?!" inis na tanong ko sa'kanya. May sakit na nga ako, bini-bwisit pa ako ng isang 'to
"A-ah, walang nagbubukas ng pinto kaya sinira ko nalang." he smiled sheepishly and scratched his nape. Napapikit naman ako ng mariin. Ang sarap sapakin ng isang 'to
"Bakit hindi ka nalang kumatok?"
"Wala ngang nagbubukas eh, isang oras na akong nakatayo sa harap ng pinto." pagda-drama 'nya
"Sino ba naman kasing may sabi sa'yo na pumunta ka 'dito?!" sigaw ko sa'kanya
"S-sabi ni Mackenzie alagaan 'raw kita." pagdadahilan 'nya. Alam ko naman na hindi 'yun gagawin ni Mackenzie dahil alam 'nyang ayaw na ayaw 'kong may kasama sa condo lalo na kapag lalaki
"Paano mo nalaman 'kung naasan ang condo ko?"
"Pumunta kasi ako sa bahay 'nyo. Tapos nagpakilala akong boyfriend mo, then hinanap ko kung nasaan ka tapos sinabi nung maid 'nyo ang address ng condo mo." sabi ni Trevor at itinaas-baba ang dalawang kilay kaya naman nahampas ko 'sya sa braso
"Tsansing ka ah." sabi nito at kumindat pa kaya napairap nalang ako
"Lumayas ka na nga dito, magpapahinga ako." sabi ko at tinalikuran 'sya. Hinawakan 'nya naman ang braso ko bago pa man ako makalayo
"Aalagaan nga kita eh." sabi 'nya. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang 9:00 am na, hindi pa ako kumakain
"Sige, ipagluto mo ako." sabi ko at umupo sa sofa. Napangiti naman 'sya at dali-dali pumunta sa kusina upang magluto
••
"Masarap ba?" atat na tanong ni Trevor kaya naman sinamaan ko 'sya ng tingin
"Hindi ko pa nga nalalasahan, eh."
Tinignan ko ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Lugaw
I took a spoonful of it at isinubo 'yun. Nang malasahan ko naman 'yun ay agad kong nailuwa. Ang alat!
"Pwe! Ano ba 'yan?! Asin!?" sigaw ko at pinanlisikan 'sya ng mata. Mukha naman na nagulat si Trevor sa sigaw ko at lumungkot ang mukha 'nya. Ang lakas magpa-guilty.
"S-sige. Ililigpit ko na." malungkot na sabi 'nya, nay bahid din sa sakit sa tono ng boses 'nya. Tumayo 'sya at kukuhanin sana ang lugaw na ginawa 'nya pero pinigilan ko 'sya