Maaga akong gumising dahil may pasok pa ngayon at dahil walang mang-gigising sa'akin dahil may sakit ngayong araw na ito si Carmen kaya wala akong kasabay pumasok. Halos isang linggo na rin simula ng pumasok kami sa Great Harrison Academy
"Mackenzie, ang aga mo yata ngayon" salubong ni mommy sa'akin. Nasa salas 'sya ngayon at nanunuod ng fashion TV habang si daddy naman ay maagang pumasok sa work
"Ganun talaga mom, para maiba naman." sabi ko pero sa totoo lang ay dahil wala akong kasama at nakakahiyang pumasok ng late kapag walang kasabay, unlike dati na lagi akong late pero kasabay ko naman si Carmen
"Alis na ako, mommy." sabi ko ulit at hinalikan 'sya sa pisngi at naglakad papaunta sa pinto
"Hindi ka kakain ng breakfast?" pahabol na tanong ni mommy
"Diet po ako." sabi ko at tuluyan ng lumabas para pumunta sa garage at kumuha ng kotse
Nang makarating ako sa school ay konti pa lang ang tao dahil magse-seven o'clock pa lang at ang simula ng klase ay eight a.m
Papasok na sana ako sa clasroom ko para sa unang subject ng may marinig akong tawanan ng mga kalalakihan, binuksan ko ang pinto at pumasok 'doon
"Mackenzie?" sabay-sabay na bigkas nila. Choir lang?
"Oh? Ang aga 'nyo ata." sabi ko sa'kanila. Nandito ang buong basketball team except for - Kai
"Change is coming nga diba? Panalo si Duterte kaya magbabago na kami." proud na sabi ni Ian. Hmp, if I know. Ngayon lang maaga ang mga lalaking ito
"Eh ikaw? Bakit ang aga mo? Hinihintay mo si Kai? Naku, late 'yun." sabi ni Kyle
"Grabe ka naman. Hindi ah" sabi ko at umupo sa bakanyeng upuan sa likod
"Nasaan si Carmen?" biglang tanong ni Trevor kaya naman kinantyawan 'sya ng mga teammates 'nya
"May lagnat, hindi makakapasok." sabi ko at kinabit ang earphones ko sa tenga ko
"Ha? BAKIT?!" tanong ni Trevor at tumayo pa
"Huy! Ang OA mo! Hindi 'yun mamamatay sa lagnat! Lagnat laki lang 'yun. Tatangkad kasi si Carmen" sabi ko nakisabay sa kantang nagpe-play
"Ha? Kahit na. Saan ba 'sya nakatira?" tanong ni Trevor
"Bakit? Nanakawan mo sila?" tanong ko
"Hala, grabe ka. Maga-ala Baymax lang ako." sabi 'nya kaya napakunot ang noo ko
"Ano? Hindi ko gets." sabi ko at tinignan ang iba na nakakunot rin ang noo na parang hindi rin ma-gets ang sinasabi ni Trevor
"Diba nga, personal health care companion? Ang slow ng mga ito" sabi 'nya at kinamot ang batok
"Takte. 'Yun lang pala" bulong ni Chris
"Text ko nalang sa'yo" sabi ko kaya tumango nalang 'sya. May number naman ako nila dahil inilagay nila ang ang mga ito noong pinag-pyestahan nila ang cellphone ko noong nakaraang araw
"Oh, Mack. Anong status 'nyo ni Kai?" tanong ni Peter
"Mack?" pag-uulit ko
"Yeah, 'yun na ang tawag namin sa'yo para unique" sabi 'nya habang tinataas baba ang dalawang kilay
Napailing nalang ako at napangiti "Status namin ni Kai? It's complicated." sagot ko sa tanong 'nya
"Akin ka nalang kasi. Papaligayahin pa kita" pilyong sabi ni Pexon
"Kay Kai lang ako liligaya." sabi ko kaya tumawa sila
"Si Kai ang gusto mong magdala sa'yo sa langit?" Carlos asked while chuckling