"Wakey-wakey!" sabi ng isang matinis na boses. Hindi ko ito pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot pero hinila 'nya ito
"MACKENZIE APHRODITE V. SILVESTRE! BUMANGON KA NA, KUNG HINDI BUBUHUSAN KITA NG KUMUKULONG MANTIKA!" sigaw nito sa tenga ko kaya naman napabalikwas ako ng bangon at pinanlisikan ng mata si Carmen
"Bakit ba!?" iritang tanong ko sa'kanya. Lokohin mo na ang lasing, 'wag lang ang bagong gising
"Magsi-swimming tayo!"
"What? Ayoko! Hindi ako marunong maglangoy!" pagtanggi ko. Tinatamad ako, at talaga naman na hindi ako marunong maglangoy
"Mag paturo ka kay fafa Kai." tinaas-baba 'nya ang dalawang kilay 'nya habang may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa labi. Pansin ko lang ay masyadong naging masayahin si Carmen, hindi katulad dati na mas mapait ba sa ampalaya
"Gusto mo ikaw ang buhusan ko ng kumukulong mantika?"
"Grabe 'sya. Joke lang! Sumama ka na kasi! KJ mo!" sabi 'nya at hinila ako patayo. Nagpatianod nalang ako sa kanya
"Wala akong damit." sabi ko. Totoo naman eh, nakaidlip ako suot ang dress na kahapon ko pa suot
"Psh. Syempre may dala akong damit!" sabi ni Carmen at tinulak ako papasok sa banyo ng kwarto na tinulugan ko. Pinatulog nila ako sa kwarto na kalapit ng kwarto ni Kai
"Ha? Eh anong susuotin ko?" tanong ko. Umalid naman sa harap ko si Carmen at kinalkal ang laman ng dala 'nyang bag, maya-maya naman ay lumapit 'sya sa'akin
"Oh, ayan! Bumaba ka nalang pagkatapos." sabi 'nya at lumabas ng kwarto pagkabigay 'nya sa'akin ng damit
Naligo naman ako at tinanggal ang natirang mga make-up sa mukha ko. Pagkatapos 'nun ay tinignan ko ang damit na binigay sa'akin ni Carmen. Isang White na bikini at Black na shorts
Damn! Pahamak talaga si Carmina! Hindi naman pwedeng bumaba ako ng naka-towel 'dun, hindi 'rin naman pwedeng mag-swimming ng naka-dress! No choice. Sinuot ko ang bikini at shorts, backless ang bikini kaya nilugay ko ang buhok ko para hindi masdayong kita
"Witwew. Chicks." sabi ni Ian pagkababa ko. Sinamaan ko lamang 'sya ng tingin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa 'nya kahapon
"Damn. Sexy." sabi naman ni Justin. Hindi ko nalang 'sya pinansin at tinignan ng masama si Carmen, nakasuot 'sya ng isang white T-shirt at shorts habang naka-peace sign
"Akin ka nalang." sabi ni Peter habang pinagmamasdan ang kabuuan ko kaya pinanlisikan ko 'sya ng tingin ngumit tumawa lamang 'sya
"The hell?! Why are you wearing that?!" pumainlang ang sigaw ni Kai sa buong mansyon. Kakababa 'nya lang mula sa grand staircase, wala 'syang suot na pang-itaas at naka swimming trunks lang
"H-ha? Wala akong damit eh." sabi ko at tinignan ng masama si Carmen onece again
Kai brushed his fingers across his hair and walked upstairs. Ilang sandali lang ay bumalik 'sya hawak ang isang Gray na T-shirt lumapit 'sya sa'akin at hinagis ang damit sa mukha ko
"Wear that." supladong sabi 'nya at nilampasan kaming lahat
"Posessive." nakangising sabi ni Trevor sa gilid ko
"Parang hindi ikaw." kantyaw namang ni Acer sa'kanya at nginisian ang magkatabing si Trevor at si Carmen
I wore the shirt over my bikini and fixed my hair. Lumapit naman si Carmen sa'akin at kinurot ang tagiliran ko
"Yiee. Kilig ka na 'nyan?" nakakalokong tanong ni Carmen kaya naman binatukan ko 'sya
"Pahamak ka talaga." sabi ko at sinimangutan 'sya. Tumawa lang naman 'sya at hinila ako palabas sa mansyon. Sumalubong sa'amin ang maraming puno, halaman, at ang napakalawak na dagat