CHK# 6: KeepOnComingBack

10 1 1
                                    

"I give up." balisa kong sabi kay Carmen. Naandito kami sa garden ng school dahil wala naman masyadong ginagawa sa klase dahil first day of school pa lang naman

"Pang-ilang beses mo nang sinabi 'yan?" natatawang sabi ni Carmen

"Ganun ba ako kahirap mahalin?" tanong ko sa'kanya - more like sa sarili ko

"Hindi pa lang nakikita ni Kai ang halaga mo, mamahalin ka 'rin nun." pang-aalo ni Carmen. Himala at hindi 'sya bitter ngayon

"Tatlong taon. Tatlong taon ako naghabol sa'kanya. Sobrang hirap ba talagang hanapin ang halaga ko?" pagda-drama ko habang tumutulo na naman ang mga luha mo

"Ipakita mo sa'kanya kung sino ang sinayang 'nya."

"Paano naman?"

"I don't know. Doll up?" Carmen said while shrugging

"Ayos naman ako ah?" sabi ko sa'kanya at tinignan ang kabuuan ko

"No. I mean, look. Ang pale mo, wear some foundation or blush on. May eyebags ka 'rin, 'wag ka kasing madaling-araw matulog. Look at your lips, it's reddish nga, you don't need to apply lipstick but you need to atleast put lipgloss or something." sabi 'nya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko at sinusuri ang mukha ko ng mabuti

"Hindi ako marunong mag-ayos" mahina kong sabi kaya napatawa si Carmen ng malakas

"Nyeta ka. Babae ka ba? Tara." sabi 'nya hinila ako patayo tapos ipinasok sa kotse 'nya

"W-where are we going?" tanong ko. Hindi 'nya naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho

"Tara, bilis!" masiglang sabi ni Carmen at hinila ako papasok sa isang salon sa mall

"Beh! Eto 'yung bestfriend 'kong manang na ikine-kwento ko 'sayo! Eto, na-broken hearted kaya magpapaganda! Ayusin 'nyo 'yan ha!" sabi ni Carmen sa isang lalaking may make-up sa mukha tapos kulay blonde ang buhok

"Ha? Ayaw k-" naputol ang sinasabi ko dahil tinulak ako ni Carmen paupo sa isang stool

"Iwan muna kita dito ha? Ibibili kita ng mga damit!" sabi ni Carmen at kumaripas ng takbo palabas ng salon kaya hindi na ako naka-angal pa

"What's your name, ganda?" tanong nung kausap ni Carmen kanina

"Mackenzie po." mahina kong sabi

"Wagas ka naman maka-'po'. Halos magkasing-age lang naman ang beauty natin! Kaloka 'to! I'm Louisa nga pala" sabi ni Louisa

Nagsimulang i-blower ni Louisa ang buhok ko. Tapos ginupitan 'nya 'rin ito, ang dating hanggang dibdib ko na buhok ay hanggang balikat nalang. Ki-nurl 'nya 'rin ang dulo ng buhok ko at kinulayan ito ng Dark Brown. In-applyan 'nya 'rin ako ng light make-up dahil ang plain ko 'raw tignan, inahit 'nya rin ang kilay ko at nilagyan ng shape ito. Binigyan 'rin ako ni Louisa ng manicure at kinulayan ang nails ko ng color Black

"Pak na pak! Ang galing mo talaga, Louisa!" sabi ni Carmen ng makabalik 'sya na may dalang dalawang paper bag

"Naku, easy lang naman dahil hindi naman ugly 'yang friend mo kaya hindi mahirap bigyan ng make-over!" masiglang sabi ni Louisa kay Carmen

"Oh! Isuot mo!" sabi ni Carmen at ibinigay sa'akin ang dalawang paperbag na hawak 'nya at itinulak ako sa restroom ng salon na ito

Tinignan ko ang laman ng mga paperbag. Ang laman ng isang paperbag ay isang mahabang color Black na dress tapos may slit 'sya sa right side kaya siguradong lilitaw ang legs ko, tapos may kasama rin itong Black na cycling shorts. Sinuot ko ang mga ito at tinignan ang isang pang paperbag, may laman itong color Silver na sandals

Chasing Kai HarrisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon