*continuation*
Elmo's p.o.v
Nandito na kami ngayon sa kwarto ni Julie natutulog parin Hindi ko alam ano meron Kay Julie kasi si maqui at Nadine yung kumausap Hindi ko na tinanoong kung anong meron...
Nadine: "guys... Bibili lang ako ng coffee late na kasi... Midnight na inaantok na din ako gusto niyo bilhan ko kayo?"
Maqui: "sige... Libre mo ha!"
Nadine: "tsk. Oo na! Ikaw elmo?"
Elmo: "samahan nalang kita sa pagbili."
Nadine: "sige Tara."
Maqui: "bilisan niyo ha!"
Nadine: "opo!"
Lumabas kami ni Nadine at sabay kaming nag lakad walang umiimik ng mag open siya ng topic.
Nadine: "Elmo... Alam mo ba yung reason ni Julie kung bakit ka niya iniwan?"
Elmo: "oo... Para Kay Jake."
Nadine: "kaya pala ganyan nalang ang galit mo Kay Julie kasi yun ang alam mong dahilan kung bakit ka niya iniwan..."
Umorder siya ng tatlong kape babayaran niya Sana pero ako na nag bayad syempre lalaki ako noh...
Nadine: "ako na.."
Elmo: "Hindi okay lang.."
Nadine: "Bahala ka... Hindi ko tatanggihan ang libre haha."
Elmo: "haha."
Nadine: "balik tayo sa topic..."
Nag lakad kami pabalik ng room ni Julie habang nag lalakad kami umiinom kami ng kape...
Nadine: "sinubukan mo ba alamin yung reason bakit ka iniwan ni Julie?"
Elmo: "para saan pa? Para lokohin ulit ako?"
Nadine: "Hindi ka naman niya niloko.... May malaki siyang dahilan kung bakit ka niya kaylanggan iwan."
Elmo: "anong dahilan?"
Nadine: "mas mabuti siguro kung kayo ni Julie mag usap tungkol diyan... Pero alam mo naaawa ako sakanyang noong nasa states pa kami... Pwedeng sabihin ng lahat ng tao na lahat ay meron si Julie pero Alam mo sabi niya saakin dati... Mas gugustuhin niya daw mawala sakanya lahat ngayon basta bumalik ka sakanya ganoon ka niya kamahal."
Ngumiti lang ako sakanya...
Nadine: "mahal mo pa ba si Julie?"
Elmo: "Hindi pwede... Kami na ng kapatid niya..."
Nadine: "Hindi pwede? So mahal mo ka nga... Pinipigilan mo lang... Alam mo kung ako sayo... Wag mo na pakawalan si Julie... Sabihin mo na sakanya na mahal mo rin siya baka kasi isang araw magising ka nalang wala na siya sayo... Na sumuko na siya sayo... Na napagod na siya umiyak... At pagod na siya umasa."
Nauna siyang nag lakad saakin at eto ako naiwan lutang....
*TING*(text)
From: janella
"Moe paramdam ka naman... Hindi mo pa ako tinetext at tinatawagan... Nasan kaba ngayon? Ano ba nangyari? Text me nalang... I love you moe"
BINABASA MO ANG
My Ex Came Back(JuliElmo)
RomanceMaibabalik pa nga ba ang dating tamis ng pag mamahalan o mananatili nalang itong nakalipas