JD'S POV:
"Uy Charms! Akin yan!!"-me.
Andito kaming lahat sa hospital dahil Sunday naman ngayon. Wala kaming lahat trabaho. Dahil nga tulog pa din si Aira ako ang nagbabantay sa Captured Memories kasama si Charls at Charms.
"Ano ba JD! Sabi ng akin toh!"-Charms.
"Akin yan!"-me.
"Guys mukha kayong tanga dyan."-Quen.
"Oo nga haha! Pinag aagawan nyo ang isang cupcake! Eh ang dami dami pa dyan oh."-Eliza.
"Eh gusto ko yung color ng icing nito eh."-Charms.
"Eh ako yung unang kumuha nyan eh."-me.
"Heh! Basta akin toh."-Charms.
"Aish! Sige na nga. Yung blue nalang ang akin."-me.
Kinuha ko yung cupcake na may icing na blue.
"Hay nako Aira. Siguro kung gising ka ngayon baka utas ka na sa kakatawa sakanila."-James.
"Oo nga haha! Gising ka na kasi."-Nadine.
"Oo nga babe. Day 41 na ngayon oh."-me.
Tama kayo. 1 month and 11 days na syang nakahiga dyan sa kamang yan.
"Wow binilang talaga."-Abby.
"Syempre naman. Para malaman natin kung nakaka one year na sya dyan."-Khalil.
"Parang ang himbing ng tulog ni bestfriend eh. Sige Aira dyan ka na muna para makita ulit naming umiyak si JD---ARAY! Haha joke lang!"-Quen.
Binatukan ko nga.
"Quen pag yang bunganga mo di tumigil... mamaya ikaw na ang dadalawin ni Eliza sa Emergency Room."-me.
"Tol naman! Bestfriends tayo diba! Tsaka may anak ako oh!"-Quen.
"Heh manahimik ka Quen!"-Charms.
"Si Charms naman laging PMS!"-Quen.
"Tsk. Queenie naman."-Charls.
Bigla syang pumasok at si Queenie naman nagtatakbo kay Charms.
"Hoy ikaw ano nanamang ginawa mo sa anak ko?!"-Charms.
"Ako nanaman?!"-Charls.
"Malamang. Ikaw lang naman ang kasama ng anak ko."-Charms.
"Wala akong ginawa ok? Makulit lang talaga yang anak mo."-Charls.
"Bakit anong nangyare?"-Quen.
Haha chismoso!
"May strawberry frappe kasi sa table tapos si Queenie bigla nyang kinuha at ininom kahit hindi namin alam kung kanino. Dumating yung may ari tapos ako yung tinurong uminom ng frappe."-Charls.
"Eh bakit di mo pinigilan?"-Charms.
"Pagtingin ko iniinom nya na eh."-Charls.
"Eh ansabe ng may ari ng frappe?"-Nadine.
"Nagalit nga eh. Magnanakaw daw ako. Pinaltan ko nalang yung frappe nya."-Charls.
BINABASA MO ANG
The Heart Remembers (Kathniel)
FanfictionThe heart remembers .... What the mind forgets.