-AFTER 1 WEEK-
JD'S POV:
"Wahh!!!"-Aira.
Kakasara ko palang ng pinto sa music room ng narinig kong sumigaw si Aira. Tumakbo agad ako at pumasok sa kwarto.
"Bakit?!"-me.
Napatingin sya sakin ng nakangiti.
Jusko naman! Akala ko kung ano na!
"6 months na nga pala sila ngayon!"-Aira.
Pumasok ako sa kwarto at sumandal sa pader.
"Nakakagulat ka kaya. Akala ko kung ano na."-me.
Nagsusuklay lang sya ng buhok sa may tapat ng salamin.
"Dadaan daw ang barkada dito. Tatambay ata yung mga yun."-me.
"Talaga? Hay salamat! Makikita ko na ulit si Bes!"-Aira.
"Bababa na ko. May gusto kang kainin?"-me.
Kakatapos lang namin maglunch.
"Wala."-Aira.
Tumango ako at bumaba na. Baka kasi dumating na yung mga yun---
*DING DONG DING DONG!!!---*
Sino bang pumipindot ng doorbell namin?!
Binuksan ko agad yung pinto at nakita ko si Quen. Tsk. Pinaglalaruan yung doorbell.
"Bilis bro! Papasukin mo na ko!"-Quen.
"Eto na nga! Atat nito. Yung asawa mo muna ang papasukin mo."-me.
Yung asawa nya ang buntis hindi sya. Eh mas atat pa sya kay Eliza hahah!
"Oy may sasabihin daw sina Charls."-James.
"Talaga? Ano yun? Sige pasok muna kayo."-me.
Pumasok silang lahat at nagsi upuan sa couch.
Pansin ko lang. Si Alexander lang ang kasama nila ngayon.
"Asan ang mga bata?"-me.
"Yung kambal hiniram ni mama. Gagala lang daw sila."-Charms.
"Si Mark kasama yung mga pinsan nya sa bahay."-Abby.
"Si Jad naman hiniram din muna ni Mama."-James.
"Ahhh ok. Uy Eliza dalhin nyo muna si Xander sa guest room. Malinis naman yun."-me.
Nakatulog na kasi.
"Ok pero saan ba yun?"-Eliza.
"Yang si Quen na. Alam nya na kung nasan. Guys kuha ko kayo ng juice."-me.
Tumango silang lahat at binuksan nila yung TV.
Habang ako naman kumuha ng juice. Iced nalang ang kinuha ko at tinimpla ko yun sa isang pitchel.
Inilagay ko yung sa center table at naglagay din ako ng baso.
Maya maya bumaba na si Aira.
"Uy bes!!!"-Aira.
Napalingon si Charms at sinalubong si Aira ng isang hug.
Umupo silang girls na magkakatabi.
BINABASA MO ANG
The Heart Remembers (Kathniel)
FanficThe heart remembers .... What the mind forgets.