Scent of death 3

98 3 0
                                    


          Nagtapos na ako noon sa high school at kasalukuyang nagtatrabaho sa palengke ng aming bayan bilang isang tindera naging kaclose ko ang aking naging amo kaya madalas kaming magkwentuhan ng mga bagay bagay.

          Mga 1:30 ng hapon noon ng july 27, 2005, habang nag aayos ako ng display ng mga paninda ay bigla akong naka amoy ng amoy pormalin maya maya pa sinabi ko sa amo ko nasumasakit na parang nahihilo ako dahil sa naamoy kung pormalin. Naupo ako sa tabi niya sabay sabi na si lolo mamatay na. Hindi ko maexplain ng time na yon kung bakit ako nakapagsalita ng ganun, parang wala akong emosyon alam ko na sinabi ko iyon, tumututol ang isipan ko, ngunit dire diretso pa rin ang bibig ko sa pagsasalita na parang hindi ko kontrolado  ang binibitawan kong salita.

        Wala pang sampung minuto ay natanaw ko ang kapatid ko na sumunod sa akin.( panganay kasi ako) Nagmamadali siya pumunta sa pinagtatrabahuan ko na may akay akay na bike parang hinihingal pa siya at halatang nagmamadali. Hindi pa ako nakapagtanong kung bakit siya nandoon, sinabi niyang umuwi daw ako at si lolo masama ang lagay at hinahanap ako at sabay alis din.

          Hindi ko lubos maisip kung ano ang nangyari sa akin ng time na iyon parang kakaiba, sinabihan ako ng amo ko na bilisan ko na at umuwi narinig kasi niya ang sabi ng kapatid ko pero imbes na umuwi ako ng mabilis ay sumagot pa ako na hindi ko na maabutan buhay si lolo kaya hindi na ako dapat magmadali pa.

          Sinaway ako ng amo ko noon kinikilabutan daw siya sa mga pinagsasabi ko, at ng umuwi ako hindi ko na nga naabutan na buhay si lolo. Nang makita ko ang bangkay niya ay umiyak ako ng umiyak, niyakap ko ito at parang ayaw kung bitawan sobrang bigat ng pakiramdam noon.

        Tandang tanda ko pa noong ilibing si lolo noon ako lang ang hindi makatanggap ng kanyang pagkamatay. Umiiyak parin ako sa paglipas ng mga araw, buwan at taon hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko siya. Naiinis akong isipin ang maaari kong malalaman ang mga taong mamamatay ngunit hindi ko mapipigilan ang kanilang kamatayan ang masakit pa ay kapag ang mamatay ay iyong taong pinaka malalapit sa aking puso.

RIP LOLO, MAHAL NA MAHAL KITA😭

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon