Kamay

140 2 0
                                    

 

      Naranasan ko ito sa bahay ng tiyahin sa probinsya, umalis kasi ako sa trabaho dahil sa ayaw na ng asawa ko na magtrabaho ako wala pa siya noon sa pinas kaya doon ako nakitira sa tiyahin ko.

         Pumunta ang pinsan kung lalaki sa manila kasama ang kanilang pamilya kaya ako na ang gumamit ng kanilang kwarto. Maliit lang ito at ang dingding gawa sa plywood na nagkabutas na, tinabunan ko na lang ng karton saka inilatag ang comforter. Hating gabi na noon ng pumasok ako sa kwarto dahil nga sa napasarap ang kwentuhan namin ng pinsan ko. Nakatulog naman ako kaagad nagising ako dahil nagtatahulan ang mga aso.

        Ramdam na ramdam ko ang kamay na humawak sa likod ko, tatayo na dapat ako pero bigla na lang nanigas ang buo kong katawan hindi ko ito maigalaw habang nararamdaman ko pa rin ang kamay ay nagdasal ako sa aking isipan, tanging nararamdaman ko noon ay panganib at matinding takot kaya pinilit kong maigalaw ang aking katawan ng naigalaw ko na ng kaunti ay bumangon ako kahit na napapatumba ako.

         Dahil sa takot hindi na ako nagdalawang isip na gisingin ang aking pinsan sinabi ko ang nangyari nanginginig ako sa takot noon hindi ko mawari pero iba ang dating ng nilalang na humipo sa akin. Inilawan namin ang buong kwarto ngunit wala kaming nakita kaagad ko namang kinuha ang aking unan at comforter at doon sumiksik sa tinutulugan ng aking mga pinsan at pamangkin. Matagal akong nakatulog dahil sa umaalulong pa rin ang aso ng aming kapitbahay.

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon