Puting Kama

115 2 0
                                    


         Stay in ako sa pinagtatrabahuhan ko bilang tindera sa palengke sa aming lugar. Isang taon na ako mahigit doon ngunit pala namang nakakatakot na nangyari sa akin ngunit nagbago ang lahat ng ilipat ang puting kama sa kwarto namin ng yaya ng mga anak ng boss ko.

       Dahil maganda ang kama at feeling ko noon ay masarap tulugan, mukhang bago pa kaya pagkapasok pa lang ng kama ay nilipat ko kaagad ang unan ko puting kama. Pagkauwi ko noon bandang hapon para umidlip ay natulog kaagad ako at nanaginip.

  
     Mayroong nakahigang lalaki sa kama natutulog ito, kumurap lang ako ay nabalot na ng puting tela parang mummy ang lalaki at bigla na lang akong sinakal nagising ako noon na hinihingal. Bumalik na lang ako ulit sa palengke at hindi ko na naisip ang napanaginipan ko. Noong gabi naman ay nanaginip na naman ako ulit, nakahiga ako sa puting kama at nasa isang kwarto na may puting puting pader. Maya maya pa ay may nagtalsikan na dugo na nagcover sa puting pader hindi ko mawari kong saan galing dugo nakakakilabot at nagising ako na pawis na pawis at hirap huminga, hindi na ako makatulog ng time na yon dahil mag aalas kwatro na kaya ginising ko na ang kasamahan ko para pumunta ng palengke.

         Halos isang linggo na tuwing matutulog ako sa puting kama ay parang nauulit lang ang napapa naginipan ko puro dugo na nagsisitalsikan pader. Dahil sa kulang sa tulog,puyat at pagod sa trabaho ay nagkasakit ako. Nagtaka ang yaya ng mga bata na tumabi ako sa kanya sa pagtulog pero nagsawalang kibo na lang siya. Hindi ko nakapagtrabaho ng isang araw dahil pinagpahinga ako ng mga amo ko.

         Lumapit sa akin ang isa sa mga lalaking kasamahan ko sa trabaho ng makita ako sa kusina kakauwi lang nila noon,sinabi niya sa akin na kaya daw inilabas nila ang kama na yun sa kwarto nila ng mga lalaki ay dahil palagi silang nanaginip ng nakahiga sila sa puting kama na nasa loob ng kwarto na may maputing pader tapos biglang may magtatalsikang dugo at nakucoveran daw ng dugo ang buong pader.

           Nalaman na din ng amo namin ang mga kwento tungkol sa puting kama inilabas nila sa aming kwarto dahil wala nang matulog sa puting kama. Galing daw iyong kama sa kumpare niya ibinigay sa kanila dahil daw nagandahan at antigo at matibay ay kinuha nila at pinagamit sa mga nagtatrabaho sa kanila at ng wala ng gustong matulog sa kama ay pinamigay nila sa kapit bahay nila. Hindi ko na nalaman kung may nanaginip din ng puro dugo ang bagong may ari sa kama dahil umalis na ako sa sa trabaho ko noon at pumunta ng manila.

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon