3 am

112 2 0
                                    

 

        Nangyari parin ito sa house magulang ng ikatlo kung amo na babae. Pumunta kami sa bahay nila dahil birthday ng kapatid niya syempre inuman videoke sila noon hanggang madaling araw. Tinabihan ko noong matulog ang bunso sa magkakapatid na alaga ko sa isang kwarto.

         Nagising ako noon madaling araw na kinapa ko ang aking cellphone sa uluhan ko imponto alas tres noon sobrang ginanaw naghanap pa ako ng isa pang kumot dahil sobrang lamig talaga iyong tipong nanunuot sa kalamnan ko. Bumalik ulit ako sa pagtulog pagkalipas ng ilang minuto narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng dahan dahan hindi ako gumalaw noon at nakikiramdam lang.

         May narinig akong papalapit sa akin at tumabi sa paghiga dahil walang dimlight noon ay hindi ko ito makita kung sino, lalong nadagdagan ng lamig ang buong kwarto parang may yelo na talaga nangangatog ang aking bibig. Kinapa ko ang cellphone ko at ng mapindot ko ang isang botton upang may kaunting liwanag at kinilabutan ako sa dahil wala naman akong katabi.

        Alas tres imponto pa din, ang oras sa cellphone ko kinilabutan at natakot ako hindi naman sira ang cellphone ko at niminsan hindi naman naghahang ang orasan nito. Feeling ko noon hinang hina ako at hindi ko na alam kong dahil ito sa lamig o dahil sa takot binuksan ko ang pintuan at binitbit ang alaga ko sa sala at nilapag sa sofa naupo ako sa tabi ng alaga ko na nanlalambot pa din. doon na kami inumaga ng aking alaga .

           Kinabukasan ay nagtaka sina ate kung bakit nasa sala kami natulog ikweninto ko sa kanila ang nangyari maniwala naman sila dahil sila mismo ay nakakaranas din ng kababalaghan sa bahay na iyon.

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon