Wattpad story that scares me

101 2 0
                                    





Nangyari to nitong year lang habang binasa ko ang "ARADOS" at "I LOVE YOU ARA" hindi ko alam kong nagkataon lang o talagang dahil ito sa story. (Who knows)

       Gabi na ng basahin ko ang story na Arados pinilit ko talagang matapos kahit na kinikilabutan ako at medyo natakot sa story madaling araw na ng matapos ako sa pagbabasa noon at gising na para magtrabaho ang asawa ko sa sa kanyang office sa kabilang room. Nang araw na iyon mismo nagsimula na ang kakaibang pangyayari. Ginising ako ng asawa ko at tinanong ako kung ok lang daw ako ilang minuto pa lang ang nakalipas ng matulog ako , dahil puyat sumagot ako ok lang tapos natulog ulit.

       Pag gising ko tinanong ko siya kung bakit niya ako ginising at tinanong kung ok lang ako. Sabi niya narinig daw niya kasi na tinatawag ko siya sa labas ng bintana ng kanyang office kaya medyo natakot siya para sa kaligtasn ko. Maari daw kasi na binabangongot ako at umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko kinilabutan ako sa aking narinig.(mababasa ang version nito sa Philippines Horror Stories)

        Kinagabihan parang nagmiting ata ang lahat ng aso sa tapat ng house namin at nagpapalakasan sa pag alulong, nakakakilabot. Kinabukasan binasa ko ang I love you ara, nakalagay doon stories that kills parang umaalingawngaw sa isipan ko ang katagang story that kills pero syempre tinuloy ko pa din ang basa hanggang matapos. Kinabukasan nabalitaan ko na namatay bigla ang asawa ng tita ko at bago mailibing ang tito ko ay namatay din si tita, sabay silang inilibing last march.

      Nag iba rin ang atmosphere sa bahay namin dati wala naman kaming negative energy na nararamdaman ng asawa ko pero simula ng nabasa ko ang story parang nagakaroon ng intity sa bahay namin, pati ang asawa kung may third eye ay hindi maiwasang mabanggit ang biglang pag iba ng bahay parang may may demonic na daw. Hindi na din ako maiwan sa bahay mag isa dahil bigla na lang akong natatakot na hindi ko mawari.

     Maaga natulog ang asawa ko noon at nag papagising sa akin bandang tweelve ng gabi ginising ko siya pagsapit ng tweelve am, bumubulong bulong siya noon kaya nagtaka ako. Sabi niya please gave me cold water, kaya kumuha ako ng tubig sa ref at inibot sa kanya sabi niya bat daw ganun lagyan ko daw ng more ice sabi ko sa kanya ok. Bigla na lang siyang sumigaw na DON'T YOU DARE TO ANSWER ME!!! Nanlilisik ang kanyang mata sa akin tapos napaiyak ako sa takot niminsan kasi hindi siya sumigaw sa akin kahit umabot sa point na nakakapikon na talaga ako. Ibang iba ang aura niya at ng pagkasigaw niya sa akin sabay nanayuan ang balahibo ko feeling ko pati ang mahaba kong buhok ay tumayo ng tuwid sa ire. Tapos bigla nalang siya humiga sa kama at natulog ng walang sabi sabi. Kinabukasan tinanong ko siya sabi niya hindi naman daw siya nagising at nanghingi ng tubig.

        Ilang araw pa ang nakaraan ay bigla siyang nagpasya na paupahan namin ang bahay namin at kami naman ay umuupa na lang sa ibang bahay malayo sa bahay namin nagperform muna ang asawa ko ng ritwal doon bago kami maglipat. Sa ngayon i enjoy our place wala kasing multo.




Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon