Multo sa Highway

109 2 0
                                    



      Nagbabyahe ako noon papuntang boracay, sa tapat ng bintana ako nakaupo mahilig kasi akong tumingin sa labas ng bintana para hindi mahilo sa byahe. Malapit na kami sa Caticlan noon sa bandang magubat at wala masyadong bahay na highway at medyo pazigsag nasa unahan ako nakaupo noon medyo bumagal ang takbo ng bus dahil maraming kumpol ng tao sa highway marami ring nakahintong sasakyan.

        Napatingin ako sa labas ng bintana ng bus nakita ko ang isang babae at lalaki na nakatayo sa gilid ng daan nakahiwalay sila sa kumpol ng tao, tumingin sila sa akin at ngumiti. Hindi ako ngumiti pero nakatingin pa din sa kanila napaisip akong hindi ko naman sila kilala bakit sila ngumiti sa akin. Umiling nalang ako at napatingin ako sa side mirror ng bus na nagkataong nakatapat naman doon sa tinatayuan ng dalawa. Ngunit sa laking gulat ko ay hindi ko sila nakita sa salamin piniling ko ang ulo ko sa kinaroroonan nila at nandoon pa din sila pero kapag tumingin ko sa side mirror ng bus ay hindi ko sila nakikita.

        Nahilo ako kaya pumikit na lang ako at hindi na tumingin ulit sa dalawang nakangiti. Paglapas namin ay narinig ko na lang ang konduktor at driver na nagkukwentuhan tungkol sa aksidente na nadaanan namin. Dalawa daw ang namatay babae at tsaka lalaki.

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon