Scent of death

117 3 0
                                    



          Highschool ako ng may nararamdaman akong panibago noon. Nasa fourth year na ko noon nagsimula na kaming mag CAT may roon kami iyong naging kumader namin noon ay istrikto ngunit kwela naman kapag wala kaming klase sa CAT. Mahilig siya ngumiti at palabati sa mga estudyante kaya marami ang kanyang mga naging kaibigan.

         Byernes noon at kapag friday ay may grand formation buong 4th year sa grand stand habang nasa grandstand na ako ay may na amoy akong na amoy pormalin o ung amoy na naamoy mo tuwing may patay. Ilang beses akong suminghot singhot ngunit patapang ng patapang ang naamoy ko.

       Tinanong ko ang mga katabi ko, ano ung naamoy kung amoy patay, sinabi ko na sumasakit ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay nanunuot ito sa kaloob looban aking ilong. Magkahalong hilo at sakit ng ulo ang naramdaman ko ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay pumasok sa isipan ko ang commander namin na absent sa grand formation namin ng araw na iyon.Nagtataka ang karamihan noon dahil ito ang kauna unahang pagkakataong umabsent siya ng walang pasabi, kaya iba ang naghandle sa amin noon.

        Lunes, dumating ako sa class room at naabutan ko ang aking mga kaklase at ibang pang school mate na busy sa huntahan nila, maingay at parang gulong gulo. Nakalapit ako noon sa upuan ko ng sinabi sa akin ng seatmate ko na patay na daw ung commander namin sa CAT at noong byernes pa mga 5:30 daw na accident sa motor sa cebu. Syempre nagulat ako at nalungkot ng marinig ko masamang balita.

        Kinilabutan ako noon dahil noong nakaamoy ako ng amoy pormalin at pumasok sa isip ko ang aming CAT COMMANDER noon ay sakto sa oras na nangyari ang aksidente. 5: 10pm ang last subject namin noon at CLEANERS ko noon kaya mga 5:25 na ako nakarating sa grandstand ilang minutes lang pagkarating ko ay naamoy ko na ang amoy pormalin at naisip ko siya.

****Next part ay ang second story ng scent of death.
Kayo na ang humusga kung nag kataon lang ba o talaga meron akong kakayahan na maramdaman ang kamatayan ng ibang tao.****

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon