Ang Babae

190 3 0
                                    


         Nakaalis na ako noon sa naging unang amo ko sa Manila, nakituloy ako sa apartment ng pinsan kung babae may tatlong anak, ang panganay ay nasa probinsya ang dalawa naman ay nasa kanya, apat na taon at isang 11months na puro lalaki.

         Matinding puyat, pagod at takot ko sa pinagtatrabahuan ko kaya ng unang dating ko sa apartment ay nakatulog ako ng mahimbing simula ala una ng hapon ako natulog at nagising ako ng mga alas dose ng tanghali kinabukasan. Nagulat ako noong paggising ko first time ko na nakatulog ng ganun ka himbing at ganun kahaba. Paggising ko ay nagbantay ako ng mga pamangkin ko nagluto ng hapunan at tumulong maghugas ng plato.

          Wala noon ang asawa ng pinsan ko kaya natulog ako sa kanilang kama, magkatabi kami apat may electric fan sila paanan ng kama. Nagising ako sa ng madaling araw sobrang init kasi ng pakiramdam ko ni wala akong nararamdamang hangin mula sa electric fan.

         Inakala ko na baka brownout kaya namatay ang electricfan, ilang sandali pa nahimasmasan ako, hindi brownout kasi nakita ko ang kaunting liwanag sa poste na malapit sa apartment at narinig ko rin ang ugong ng electric fan.

         Nakaupo na ako sa kama para icheck ang electric fan pero bago ako makababa sa kama may maaninag akong babaeng nakatayo na nakaharang sa bandang electric fan. Hindi ako nagsalita nakaupo pa din ako sa kama, tiningnan ko ang mga kasama ko sa kama,nasa kama ang dalawang bata nasa kama din ang pinsan ko na tulog na tulog. Tiningnan ko ulit ang babae at nandoon pa din siya medyo madilim sa kwarto pero may konting liwanag na mula sa poste.

        Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha hindi ko man makita ang kanyang buong mukha ay nakita ko ang kanyang pag ngiti, ngiti na nakakatakot ang hatid ngiti na nagpatindig ng aking balahibo, napilitan akong humiga ulit at pilit isinara ang aking mga mata at nagtalukbong ng kumot.

        Kinabukasan ay nilagnat ang bunsong anak ng pinsan ko, pumunta kami sa albularyo sabi nito ay naaswang daw ang aking pinsan korteng babae ang lumabas ng umuwi kami ng pinsan ko ay ikwenento ko sa kanya ang naranasan ko,. Sabi niya baka daw yong nakita ko ay aswang. Who knows......

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon