Sleep Paralysis / Bangungot

161 3 0
                                    

 

        Nasa bahay ako ng ex ko noon, medyo pagod sa byahe kaya umakyat ako sa itaas ng bahay nila pumasok ako sa kwarto pinagpag ko ang foam na maalikabok dahil hindi iyon natutulugan madalas. Bumaba ulit ako para kunin ang electric fan. Nagpaalam si Tita na mamalengke daw siya at sinabi ko namang matutulog ako dahil pagod sa byahe sinabi din ni Tita na umalis daw ang ex ko at baka nakipag inoman na naman.

       Umakyat ako sa itaas at umupo sa kama pinipilit kong labanan ang antok pero para talaga akong dinuduyan at sa antok nakatulog ako na nakaupo sa kama at nakasandal sa unan.

       Naririnig ko ang ingay sa paligid at pag uusap ng kapitbahay pero nakapikit ako, mayamaya may nakita akong babaeng nakaputing damit na naninilaw sa dumi ng putik may hawak itong pakrus na kahoy na may tulis sa dulo at medyo paling na at napapaekis na ang krus.

        Paika ika siyang lumapit sa akin at unti unting itinaas ang bibit na kahoy na inaamba na isasaksak sa akin. Sobrang takot ko ay akma akong babangon pero naninigas ang mga muscle ko na hindi ko maigalaw feeling ko napakabigat ng katawan ko nagdasal ako sa isipan ko maya maya pa ay naigalaw ko ang aking paa unti unti akong tumayo pero bumaksak ako sa kama hinang hina talaga ako, kusang sumasara ang mata ko hindi ko alam kong bakit parang wala akong kontrol sa aking katawan, tanging gumagana lang ay utak ko. Dasal ako ng dasal at sa pangangalawang pagkakataon na naimulat ko ang aking mata ay mabilis akong humawak sa pintuan ng kwarto at doon kumapit halos gapangin ko ang hagdan pababa noon naupo ako sa sala at doon unti unting bumalik ang lakas ko.

       Nung mga time na iyon, lagi akong nakakaranas ng ganoong pangyayari mapa araw hapon o gabi man, Alam ko rin kapag babangngutin ako bago matulog dahil may mga sign akong mararamdaman kaya minsan na piprevent ko pero minsan hindi ko talaga kayang pigilin ang sarili ko. Hindi ko alam kong hanggang kelan ito matatapos o mawawala pa kaya ito sa akin,basta ang nagiging panangga ko lamang ay panalagin. Minsan naiisip ko na maaring hindi ito simple bangungot lang dahil nagkakaganito lang ako sa mga lugar na mayroong multo o mga kakaibang nilalang .

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon