Batang Babae

114 2 0
                                    


         Nangyari pa din sa ito sa bahay ng magulang ng naging pangatlong amo ko. Magpapasko noon kaya nandoon kami para sa bakasyon, nadaragdagan din ang trabaho dahil marami kami sa bahay pero masaya din.

         Naghuhugas ako ng mga feeding bottle ng alaga ko noon, sa pinto ng kusina ay nandoon ang lagayan ng plato at baso may space iyon mga isang dipa at may nakaumbok na bahagi ng pader, tapos may daanan papunta cr at laundry area naman kapag nglakad ka pa ng kaunti palabas.

         Natapos na kong maghugas noon at pinapatulo ko na lang ang bote matapos pakuluan sa mainit na tubig. Naalala ko ang sinampay ko sa likod bahay kaya doon na ako dumaan sa laundry area para kunin ang mga tuyong isinampay. Pabalik na ako sa loob habang bitbit ang mga damit na nakahanger ng matapat ako sa tapat ng space sa pagitan ng nakaumbok na pader at lagayan ng plato, nagulat ako ng may nakatayong batang babae na nakasuot ng maduming puting dress. Napako ang paa ko sa kinakatayuan ko habang nagkakatinginan kami ng batang babae hindi ko sya kilala at ngayon ko lang nakita, medyo hindi ko maaninag ang kanyang buong mukha dahil medyo madilim sa parteng iyon.

         Hindi ko nagawang magsalita ng time na iyon ewan ko ba hindi rin naman ako masyadong natakot sa bata, pero noong bigla siya nawala ay nagulat ako at napasigaw ng malakas sabay takbo sa kwarto ng mga amo ko. Doon ako naupo at nahimas mahasan. Tuwing bumabalik kami sa bahay na iyon lagi na akong umiiwas pumunta sa parte na iyon kapag gabi na, dahil hindi maiwasan na hindi ako mapatingin don kapag nautusan sa kusina. Paminsan minsan nakikita ko siya pero hindi ko pinapahalata na nakikita ko siya mabilis din naman siya mawala.

Mga Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon