Liwanag at Haligi ng Tahanan

110 2 0
                                    

May mga panahong naiinis ako sa inyo.
Dahil siguro sa palagi kayong nakabantay mga ikinikilos ko.
O kaya'y dahil hindi niyo maibigay ang ilan sa 'king mga luho.

Merong pagkakataon na pakiramdam ko sa inyo ay di ako mahalaga.
Ni minsan kasi di nyo man lang nabanggit na "Mahal ko 'tong anak kong dalaga."

Pero ano pa mang mangyari, mahal ko pa rin kayo.
Pag nasaktan, sa inyo at inyo pa rin ako tatakbo.

Kaya- Ma, Pa, hiling ko'y magtagal pa kayo sa piling ko.
Di ko kasi alam kung papano makakatakas sa madilim na mundo kung wala na kayo.

" HINDI AKO MAKATULOG "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon