Chapter 1

36.7K 459 10
                                    



Naghanap muna ng malapit na kainan si Yana pagkatapos nyang makabili ng ticket sa bus na sasakyan nya papuntang Manila. Nakita naman nyang malapit lang ang Jolibee. Magtake out na lang sya ng value meal na 39ners, available naman ngayon dahil weekdays. She has an hour para bumili at kailangan nyang makabalik sa bus at baka maiwanan sya.

Sa pagmamadali nya, muntik pa syang masagasaan ng isang kotse. Kahit kasalanan nya dahil hindi sya nakatingin sa dinaanan, hindi nya mapigilang mapanguso at manermon dahil sa nangyari.

"Tang-inang kotse ka! Paano na lang kung nasagaan mo ako! Paano na ang future ko at ng mga magulang ko! Bwesit! "

Alam naman nyang hindi sya narinig ng driver ng kotse pero kasi humina ang tulin nito kaya malamang nakatingin ito sa side mirror. Nag dirty finger sya sa kotse at tumawid na sa Jolibee.

Napalatak sya dahil mahaba ang linya. Panakanaka nyang tinitingnan ang relo nyang tag 99.00 pesos lang ang bili nya sa tabi-tabi. May 45 minutes na lang sya. Lumabas sya ng Jolibee dahil alam nyang maiiwanan sya ng bus dahil sa pagkahabahabang pila.

Gutom na talaga sya dahil malapit nang mag 9am. Uminom lang sya ng kape kaninang 6am sa bahay nila. Gusto syang ihatid ng mga magulang sa terminal pero pinigilan nya ang mga ito dahil alam nyang mag-iiyakan lang sila ng nanay at tatay nya. Ginawa na nila yon kagabi.

Nag-iisang anak si Aryana at ayaw sana pumayag ng mga magulang nyang magpunta syang Manila. Mabubuhay naman daw sila ng maayos sa bukid. Naigapang naman ng mga magulang nya ang pag-aaral nya. Working student din sya sa school nila. Pero nagkasakit ang tatay nya. May mga maintenance ito sa highblood. Kaya napagdesisyonan nyang magtrabaho sa Manila.

May classmate syang nauna na sa Manila at syang tutuloyan nya doon. Actually bestfriend nya si Mimi, ang classmate nya. Ito ang naghikayat sa kanyang pumunta ng Manila.

Kontento na sya noon sa trabaho nyang cashier ng isang lending sa syudad ng probinsya nila. 2 years din syang nagtrabaho as cashier. Maliit ang sahod pero simple lang naman ang buhay sa probinsya kaya ayos lang. Pero ng atakihin ang tatay nya, doon na nagsimulang magka-utang sila. Pati dalawang kalabaw nila ay naibenta na. Magsasaka ang tatay nya at hindi pa sa kanila ang lupang sinasaka ng tatay nya. Pero sa awa ng Diyos, nakakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw. Not until na-ospital ang tatay nya.

"Yon oh!" Napangiti sya ng makita sa kabilang kalsada ang dunkin donuts. Bibili na lang sya ng donuts at yon na lang ang kakainin nya.

Mabuti at wala naman masyadong nakapila at nakabili agad sya ng donut at cold coffee. Mabilis syang bumalik sa terminal at sumakay na sa bus.

Wala masyadong pasahero ng bus. Sa katunayan, wala syang katabi sa inuupoan nya. Or baka mayamaya darating ang katabi nya. Pero 5minutes na lang at aalis na ang bus kaya nasisiguro nyang wala syang katabi.

Mayamaya ng konti umusad na ang bus. Magpapasalamat na sana sya at wala syang katabi para makatulog sya ng maayos sa upoan nya, kaso may mabangong mama ang umupo sa tabi nya. Napatingin sya dito.

Gusto nyang pulotin ang panga nyang nalalag sa floor ng bus! Takte ang gwapo ng katabi nya at yummy pa! Nakatingin ito sa unahan kaya side view lang kita nya. Matangos na ilong plus makinis na mukha plus namumutok na musles sa braso, plus bumabakat na abs equals YUMMY!

Naglaway ata sya sa katabi nya! Si Four lang naman ang pinaglalawayan nila ni Mimi noon. Ang Four sa Divergent na movie na si Theo James. Pero ito sya at nakatitig sa katabi nya at malapit ng mag tulo laway!

Bachelor Series 5: Here Without You (Completed-unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon