Chapter 31

17 0 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagpunta si Ma'am Jen sa shop. Walang pagaalinlangan kong tinanggap ang offer niya sakin. Pinapirmahan niya sakin ang ilang papers at ginawa ko yun. It's now or never.

"Thea baka naman nabigla ka lang?" Tanong ni Danica na nasa tabi ko ngayon. Inilingan ko siya.

"Para saan pa ba? Hindi ko naman kayang mag stay dito at kayaning makita siya araw araw. Pano ko makaka move kung di ako gagalaw?"

Nagkibit balikat siya at pinatong ang kamay sa balikat ko. "Baka lang magsisi ka na hindi mo pinaglaban. We saw the way he look at you. Halatang ayaw ka niyang saktan."

"I just did."

Tumayo na ako at iniwan sila. Bukas na magsstart ang trip at kailangan kong umuwi ng maaga para makapag impake. It's a one week tour.

Walang gana akong nagtrabaho buong araw para lang mairaos ang araw na to. Wala akong inisip kundi ang nangyari kahapon.

"Thea alis na kami." Paalam ni chef kasabay sina Danica na nasa likod niya. "Ingat ka ha? Text mo kami." Tinanguan ko lang siya at inayos na ang bag ko para makauwi.

Pagkatapos ay nilock ko na ito at dumiretso sa parking. Habang nasa loob ng sasakyan ay nakita ko siyang nakangiti at tumatawa. He looks so happy. Parang ayos lang naman sakanya kaya sana maging maayos din ako.

Nakauwi naman ako agad at nagpaalam kina daddy about sa tour ko na tatagal ng isang linggo. Ichecheck ko lang naman kung maayos ba ang sales nila at siguro ay titingnan ang pagiinventory. Ang iba naman ay nirerenovate daw kaya siguro titingnan ko nalang din ang progress.

Pumayag naman sila kaya nagimpake na ko. Bukas ng hapon ang alis ko at may van daw na susundo sakin kaya hindi na ko mahihirapan.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Grey sa screen.

From Grey:
Can we talk?

Hindi ko siya nireplyan at pinagpatuloy nalang ang pagiimpake. Dahil alam kong kapag kinausap ko siya ay di na siya sasaya. May ibang gusto ang magulang niya para sakanya kaya magiging masaya nalang ako dahil iyon ang pangarap nila para sakanya.

Nakalipas ang ilang minuto ay natapos na din ako. Nagbihis at humiga na sa kama para ready na ko bukas.

Iniisip ko kung anong mangyayari sa isang linggo na to. Kung makakalimot ba ko at matatahimik sa lahat ng nangyayari.

I want him to be happy. And if it's not with me, I'll be happy too. As long as masaya siya, masaya na din ako.

**

"Ate gising na." Kinaumagahan ay narinig kong kumakatok si Ellaine sa pintuan at agad ko naman siyang pinagbuksan.

"Bababa na."

Sinarado ko ulit ang pinto. Naghilamos at nagtoothbrush para makababa na at makakain.

"Goodmorni-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Can we talk?" Sambit niya at hinawakan ang kamay ko. Binawi ko ito agad at tiningnan siya ng seryoso.

"No. Hindi pwede. Space lang ang hinihingi ko. Iyon lang." Linagpasan ko siya at dumiretso na sa kusina. Sundan niya man ako dito ay wala na akong pakealam.

"Bakit po nandito yon?" Tanong ko kay yaya sita na naglalapag ng pagkain.

"Maaga yan dito. Ang sabi niya ay hihintayin ka niya at may usapan daw kayo."

"Ha? Sana po ginising niyo ako at napaalis siya agad. Nagsasayang lang yan ng oras."

Kumain nalang ako at agad ding tinapos. Nawalan na ko ng gana para kumain. Ilang oras pa naman bago ako sunduin kaya napagpasyahan kong mag mall. Tinext ko din si Kas para naman may kasama ako. Hindi rin kami nakapagusap ng maayos dahil cinomfort niya lang ako magdamag.

To Kasandra:
Free? Samahan mo naman ako sa mall.

Agad namang nag beep ang phone ko at nakitang nagreply siya.

From Kasandra:
Wala ako sa bahay. May pinapaasikaso sakin si mommy. Maybe next time. Take care :)

Umirap ako sa kawalan. Mag isa na naman ako.

Kinuha ko ang twalya at ang susuotin ko. Naligo agad ako at umalis ng bahay para makapag relax pa bago mag hapon. Nagpaalam na din ako kay yaya at sinbaing babalik bago ang oras na napag usapan.

"Ingat ka." Tumango ako at lumabas na ng bahay.

Habang naglalakad sa department store ay ay unregistered number na text. Binuksan ko ito at binasa ang text.

From unknown:
Meet me at Greenwhich..

Mabilis kong tinago ang cellphone ko at dumiretso sa Greenwhich. Hindi ko man alam kung sino yon ay feeling ko kailangan kong magpunta.

Habang papalapit ay dahan dahan akong naglakad papasok. Ang sabi sa sumunod na text ay nasa pinakadulo daw siya.

Kinakabahan na ako habang papalapit. May taong nakatalikod saakin ngayon at sa tingin ko ay siya ang nagtitext sakin.

Kinalabit ko siya at lumingon ng may ngiti sa mukha.

"Ikaw?!" Sigaw ko ng marealize na siya ang pinunta ko dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon