Chapter 15

36 0 0
                                    

Grey's

Three days had passed and I'm here, staring at nothing and waiting for someone to talk to me bago pa ko tuluyang mabaliw.

Ang hirap alisin sa utak ko lahat ng nangyari at lahat ng naamin. I just wish the best for my life and yet, it turns out to be the opposite one. Mahirap pero ganon yata talaga. Kailangan masaktan para maliwanagan.

I just check my facebook account at nag confirm ng ilang friend request. Nakita ko din ang message sakin ni Carl, yung best friend ni Grey na pinuntahan ako sa shop last time.

"Hey! Sorry late reply. Kamusta?" Reply ko.

Tumunog naman ang cellphone ko at nakita ang message niya.

"Hello Thea! Okay naman ako. Ikaw? Nice to talk to you again. :)"

"I guess I'm okay. Haha. Just see you when I see you. Sabihin ko din kay Grey minsan na isama ka."

"Good to know. Sige bye na. Text Grey maybe he wants to talk to you nahihiya lang yon dahil di mo na siya nakakausap for almost a week. Bye!"

Nilog out ko na ang account ko at tinext si Grey. Kamusta na kaya to?

To Grey:
Hello! Sorry ngayon lang ako nakapag text. Hope you're okay. Good day!

Ang tagal kong hinihintay yung reply niya pero one hour na yung nakalipas wala pa din. Galit kaya siya?

Nakatulala lang ako sa cellphone ko habang hinihintay pa din kung tutunog ito at lalabas ang pangalan niya. How I miss this guy.

Humiga nalang ako at inopen ang treasure box sa ilalim ng kama ko. Sobrang luma na ng pictures dito at halos lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ko nandito din. Tiningnan ko pa ang ilang pictures at inalala ang mga pangyayari dito.

"Tara Deanne! I'll show you something. Isuot mo tong piring at wag na wag mong tatanggalin hangga't di ko sinasabi."

Tinanguan ko lang siya at nag smile. He really is the sweetest man I've known.

Inalalayan niya akong maglakad at naramdaman kong papaakyat kami sa isang hagdan. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman napayakap ako sakanya. Bukod sa naka shorts ako at off-shoulder na damit ay ber months na ngayon.

"Stay there." Sabi niya.

Bumilang naman ito ng tatlo at pinatanggal na sa akin ang piring na nakakabit sa mata ko.

"Wow," yan nalang ang nasabi ko sa lahat ng nasa harapan ko ngayon.

May mga petals sa kinatatayuan ko na dumidiretso sa isang madilim na lugar.

Madami ding Christmas lights sa paligid at mga balloons sa itaas ng kisame. Mga pictures na nakadikit sa pahabang construction paper naman ang mga nasa dingding.

May mga kandila ding naka shape na heart at nagbibigay ilaw sa paligid kasabay ng mga Christmas lights.

Lumakad pa siya papunta sa madilim na kwarto. Nang buksan niya ang ilaw ay ang dahilan kung bakit ako naluha ng tuluyan.

"Everything was so damn perfect." Yan ang mga salitang nagpaulit ulit sa isipan ko.

May nakahandang dinner sa table at napapaligiran din ito ng petals ng rose at mga kandila. May mga letrang nakasabit sa mga lobong lumulutang sa ere na nagsasabing "Happy 3rd Anniversary"

Everything was still perfect that time. Di ko namalayan na napaluha na pala ako sa lahat ng naalala ko. Sobrang saya pa namin sa piture na 'to.

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon