Chapter 25

12 0 0
                                    

"Kamusta ang happenings kagabi?" Kasandra said. Nags-skype kami ngayon dahil nabalitaan niya daw ang nangyari kagabi.

"Wala naman. I just accept him to be my other half. That's it."

"Yun lang? Alam mo Thea, kung di mo siya gusto, dump him! Chos. What I mean is, you don't have to force yourself. Alam kong takot ka sa panahong ito pero di mo kailanagn gumamit ng tao para maging safe."

"No. Di ganon yon. Syempre mahal ko siya for the past months na kasama ko siya masaya ako kasi siya yung nandyan para sakin eh. I love him and that's it. No more no less."

"Sabi mo eh."

Nagusap pa kami ng mga thirty minutes at nagpaalam na din siya dahil kailangan na daw niyang umalis at may babantayan pa. Ano kayang trabahong pinasok nito? Baka naman care taker ganon? Joke hehe.

"Thea baba na kakain na kayo."

"Opo bababa na!" I shouted. Baka nandito na sila mommy? Kasi parang naeexcite si yaya eh. Pero wala pa namang one month.

Bumaba nalang ako at dumiretso sa dining area. "Ate," tawag ni Ellaine na kauupo lang din. "Are you feeling weird this past few days?" Tanong nito.

"Wala naman bakit?"

"Wala ate. Sige kain na tayo."

-----

From Alexis:
Let's meet later at Starbucks near your subdivision.

Di ko na nireplyan at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Inaayos ko ngayon ang kwarto ko dahil makalat at madami ng gamit. Tinapon ko na ang mga di kailangan at nagpabili din ng christmas lights. Kinabit ko ito sa paligid.

"May party ba?" Tanong ni yaya na kakapasok lang at may dalang juice. "Wala po. Inaayos ko lang po dahil medyo magulo na."

Pagkatapos non ay lumabas na din si yaya at kinuha ko naman ang cellphone ko para itext sana si Grey kaso mukhang naunahan na ata ako.

From Grey:
Hi Love! Take care.

Love? Korny naman.

To Grey:
Hello! Magkikita kami ni Alexis mamaya. Take care as well ;)

Di ko na hinintay ang isasagot niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Nakakapagod din dahil akyat baba ako sa upuan nakakangawit.

Pagkatapos ay naligo na din ako at nagbihis. Pupunta na ko sa sb para makita si Alexis. Namiss ko na din yon eh.

"Hi Althea!" Sigaw nito at kumaway. "Dito oh tara!"

Agad ko naman siyang pinuntahan dun at umupo sa harap niya.

"Bakit nga pala Alexis?"

"Guess what?"

"What?"

"We'll stay here for good!" She exclaimed. "Really? Edi okay palagi na kitang makakasama." I said.

"Yup. Sayang lang at wala si Kasandra ngayon dito. Ikaw kamusta ka na?"

"Ayon enjoying the lovers life I guess?" Mukha naman itong nagtaka kaya inexplain ko. "Kami na." Walang gana kong sabi. Mukha namang ineexpect niya na kaya siguro expressionless lang siya.

"A-ah ganon b-ba? Good to k-know." Nauutal niyang sabi.

Wala kaming ganong napagusapan. Madalas nga ay awkward dahil wala talagang nagsasalita sa amin at tingin ko naman updated siya dahil wala din naman siyang tinatanong.

"Sige Thea. See you around!" She smiled and left. May pupuntahan pa daw kasi siya at importante. Umuwi na din naman ako at naabutan ang kotse ni Grey sa harap ng bahay namin. Anong ginagawa nito dito?

"Grey! What brings you here?" Bungad ko sakanya.

"Are you okay?" He asked worriedly. Ang weird niya talaga. Minsan napapaisip din ako kung nasa tamang pagiisip ba ko kagabi at nasagot ko siya eh.

"Of course! Bakit naman hindi eh si Alexis naman ang kasama ko. Guess what? She's living here for good!"

"Ah ganon ba?" Sabi naman nito.

"Yes! Tara Grey dun tayo sa taas." Aya ko naman. Sumunod ito at umupo. Sa terrace ako dumiretso dahil medyo magulo pa ang kwarto ko.

"Deanne di ka ba napilitan?" He suddenly asked.

"Sayo? Medyo. Hahaha joke. Syempre hindi. I just can't tell the reasons why I love you but trust me, seryoso ako sa pagsagot sayo and that's it. Wag kang maarte di ka pogi."

"Talaga?" Nilapit nito ang mukha sa akin kaya nasampal ko siya.

"Oo na pogi ka na!" Napipilitan kong sabi. Napaka non-sense kausap talaga nito eh.

"Nga pala Deanne, I'll be away for a week. May pinapaayos kasi sina mommy sakin at mukhang matatagalan dahil medyo lumalaki na daw yung problema. Pero wag ka mag alala, I'll keep in touch with you."

"Ganon ba? Sayang naman." Malungkot kong sabi.

"Okay lang yan. Pagkatapos non palagi na din naman kitang makakasama. You know, sembreak  is coming kaya chill ka na muna." He kissed me on the cheeks at nagpaalam na din. Nga pala, working student si Grey.

Dumiretso na ko sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog. Humiga na din ako at pinikit ang mga mata.

"Tama nga ba yung desisyon ko?" Sabi ko out of nowhere. Kahit ako nagwowonder sa sarili kong feelings. Di kaya napilitan lang talaga ko? As of now kasi di ko maexplain kung bakit. Di ko alam kung paano.

Pero ganon naman talaga diba? As long as you love someone, di ka maghahanap ng rason kasi balang araw pag nawala yung reasons kung bakit ka nag stay, you'll leave them and that's it. Your love story became tragic. At ayoko yung mangyari.

All I know is that, masaya ako. Ayoko ng drama dahil nakakastress. Gusto ko chill lang walang iniisip na masama o kahit na ano basta ganon, all you need to do is to show him/her that you love them despite of everything.

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon