Chapter 7

18 0 0
                                    

Park

After that talk with Grey, madami akong bagay na narealized. He really is a nice guy.

He protects me as if he is my boyfriend or best friend. Showy siya sa lahat ng nararamdaman niya at alam mong totoo at sincere ito.

Kasalukuyan akong nakatunganga sa labas ng bahay namin. Saturday ngayon at sinabi ko kina chef na hindi muna ako papasok. Gagala daw kasi kami sabi ni Kas. I missed that girl. Simula nung nakahanap ako ng trabaho bihira ko nalang siya makausap at makita.

"Thea kain na!" Mom shouted.

Pumasok naman ako at agad na kumain. In an hour dadarating na din si Kas para sunduin ako.

"How's life with the new people Thea?" Tanong ng daddy ko. Di ko naman agad siya sinagot dahil hindi ko alam kung ikukwento ko ba sa kanila ang nangyari last time.

"As far as I know, okay naman po. Jess and Danica are nice as well as chef Anna. Di niya po ako pinapabayaan pagdating sa shop problems."

Kinwento ko din sa kanila ang about kay Grey. Sabi naman nila, parang familiar ang name niya. Di ko naman alam ang surname niya kaya siguro may naencounter na din sila mommy na ganoon ang pangalan.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at makapag prepare. I'm really looking forward for this day. Miss ko na din si Kasandra at alam kong madami siyang baon.

1 message received

Agad ko namang kinuha ang phone ko na tumunog. Binasa ko ang isang unread na message.

From Kasandra:
Be there in ten. See you.

Nagmadali naman akong ayusin ang sarili ko at bumaba na sa sala.

Nang bumusina si Kasandra ay nagpaalam na ako kila mommy. Ang sabi naman nila ay aalis sila at baka gabihing umuwi.

"Sige Ma, alis na po ako. Take care" paalam ko sakanila.

Lumabas na ako sa gate at pumasok na sa kotse ni Kasandra. Big time it is.

"Thea!" Tawag niya sabay yakap. Niyakap ko din siya pabalik at humiwalay na din.

"I missed you big time." I smiled at her kasabay ng pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Wala akong idea kung saan kami mapapapadpad ng tadhana ngayon. Mukhang hindi din naman alam ni Kas kung saan talaga kami pupunta. Sinuggest ko naman na sa park nalang kami pumunta para mas feel ang chika.

Umagree naman siya sa akin at doon na nga kami napadpad.

"Ano gusto mo?" Tanong niya sa akin habang bumibili kami ng ice cream.

"Chocolate flavor medium size."

Hinayaan ko na siyang bumili ng mga kakainin namin habang ako, naghahanap ng bench na pupwede naming pagupuan.

Nakita ko naman ang isang bench na may table sa harap. Nalililiman din ito ng malaking puno ng mangga kaya hindi gaanong mainit.

Sumandal lang ako sa upuan at pinagmasdang mabuti ang paligid.

I remembered this place...

"Deanne." He called.

"Why are you here? Akala ko hindi ka pwede?" Sabi ko na medyo may disappointment sa boses.

"Ididisappoint ko ba naman ang isang Deanne Althea? Of course not. And I'm here to ask you something." He said with a smile on his face.

Bigla naman niya akong itinayo at lumuhod sa harap ko.

"Hey! Tumayo ka diyan nakakahiya."

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"It's been one year since I started courting you. Mahirap dahil iyon pa lang ang stage na nakikilala kita. Pero hindi ako nagsisisi dahil alam kong worth it. And I know everything's going to be better. And I want you to remember these words, I'll never leave you cause I love you more than enough to leave you like that."

Those words kept repeating on my mind. Everyday every night. Di ko mapigilang isipin siya.

"Huy!" Nabalik naman ako sa realidad ng biglang sumigaw si Kasandra.

"Anong problema mo? Di ba pwedeng matahimik minsan?

"Minsan? Wow naman. Nahiya ang word na "Gaano kadalas ang minsan" sa pagmumuni muni mo." Inirapan naman niya ako at umupo na sa kaharap na bench at nilapag lahat ng pagkain.

"Seriously Althea, anong meron sayo?" Tanong niya ng may pagkainis sa tono ng boses.

"I...I just..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Maiyak pa ko eh.

"WHAT?!"

"I...I just saw him last time." Yumuko ako at hindi na nakita ang ekspresyon ng mukha ni Kasandra.

"Wait, WHAT?! You just saw him and you didn't even bother to tell me? The hell Althea!"

Naguilty ako. Hanggang ngayon galit pa din siya sa kanya. Sino ba namang hindi diba?

"Di ko naman siya inentertain. Wag ka magalala, as if I care right?"

"Yes you care." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Why would I?!"

"Cause it's five long years for pete's sake!"

Dahan dahan niyang sinabi ang bawat salita para matauhan ako. Oo, limang taon. Limang taon pero sobrang tagal. Tagal niya kong niloko.

I ignored that topic. Baka magaway pa kami dahil lang sa walang kwentang Drake na iyon.

Kinwentuhan ko nalang siya tungkol sa mga nangyari sa amin ni Grey. Mukha na siyang ewan kakatango eh. Hindi ko manlang alam kung nakikinig ba siya o wala na siya sa earth.

-----

Nakauwi na ako sa amin by six o'clock. It was indeed a hurtful but happy talk with Kas. Hindi man naging maganda, pero alam kong natulungan niya ako.

"Just give it a try." Those word kept repeating on my mind till I close my eyes.

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon