Chapter 1

47 2 0
                                    

Reject

Nang nag nine o'clock bumangon agad ako at naligo. Late na ko sa meeting place namin ni Kasandra.

Bumaba ako at nagpaalam na kila mama. They don't care anyway. Mas okay nga yun eh, di nila ako pinipigilan pag may lakad. Pumara ako ng taxi papunta sa meeting place namin. Di ko lang sure kung tama ba yung sinabi ko kay manong driver.

Bumaba ako pagkahinto nung taxi sa isang street na puno ng tao at mga resto. I've never been in this place before. Di naman ako ganon ka gala pero parang ngayon ko lang to nakita.

Tinext ko si Kas kung saan ba siya dito. More than 200 people siguro yung nandito ngayon. Mag tutwelve pa lang naman pero ang dami ng tao. Di naman siya ganon ka crowded pero parang mali yata ng meeting place ang napili ni Kas.

"Althea!"

"Kas! Medyo malayo pala to at madaming tao. Gusto mo lipat tayo? May alam akong kainan malapit lang sa subdivision natin."

Parang nagisip muna siya bago niya ko sinagot. Kala mo naman meron nun hahaha. Joke Kas i love you.

"Nope. We'll eat here. Try lang natin palagi nalang kasi tayo dun sa malapit satin. Try something new sabi nga nila."

So I guess wala na kong kawala sakanya. Dumiretso kami sa isang cafe. Ang ganda ng ambiance dito. Parang place talaga para makapag usap.

"Althea." Tawag niya.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa or kahit na ano.

"Ano yon?"

"ATEEEEEEE!! Gumising ka na! First job interview mo remember?"

Panaginip lang pala hay nako. Thanks Ellaine for reminding me.

"Babangon na." Sabi ko.

Bumaba agad ako para makapag breakfast at maligo na. This day should be exciting. I hope so..

"Mom! Alis na ko. Byeeee!"

Umalis ako agad para di gaanong matraffic. Di naman ganoon kalayo yung kumpanya kaya lang para sure inagahan ko na.

I was so excited walking towards the room na pag iinterviewhan nang may biglang nagtanong.

"Ah miss, alam mo ba kung saan yung room na pag iinterviewhan?" Tanong nung lalaki.

I just nod and point my finger dun sa pintuan.

"Hmmm sige okay thanks! See you"

Weird huh.

Pumunta muna ako ng cafeteria para mag coffee. Medyo matagal pa naman yung interview.

I browse my facebook and saw something.

He's here. Again.

Nilock ko agad yung phone ko not minding the news I saw. This is me again. Thinking of the past.

Naisip ko lang, malaki talaga ang epekto ng nakaraan sa lahat ng tao. This is the reason of who people are this day. Isa to sa reasons kung bakit masaya o malungkot man ang isang tao.

I checked my phone and saw the text. Mag s-start na daw yung interview.

Nakakakaba dahil ito ang first ever interview ko sa pagtatrabaho. Di kami ganoon kayaman pero pinalaki kaming kuntento sa lahat ng bagay.

Tinawag na ako para sa interview. Binabalot na ko ng kaba. Nakakainis lang kasi kinakausap na ko ng interviewer kinakabahan pa din ako.

After interview sinabi sakin na ii-email na lang nila ako if I passed or not. How I wish.

After 2hrs of waiting, nakarating na ako sa bahay. Walang tao so dumiretso agad ako sa kwarto ko to check some emails. I was so excited when I saw the email I got. Galing ito sa pinag interviewhan ko kanina.

Sa sobrang excited ko, it turns to be the saddest news I ever got this day.

I was not able to pass the interview. Ang sabi nila, kailangan ko pa daw siguro ng experiences para makapasok and to be enough sa position na ina-applyan ko.

Di ko alam kung ano pa masasabi nila mommy sakin.

"Oh ate, bakit ganyan mukha mo?" Tanong ng kapatid ko. Di ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Gusto ko sila maging proud sakin. Lalo na si Ellaine.

Sabi niya, she look up to me daw. Ayokong makita niya or malaman niya na ganon ang nangyari. Ayoko siya malungkot.

"Wala. Pagod lang siguro to. Sige na matulog ka na. Goodnight I love you"

"Goodnight ate."

Will anything be worst than this day? Sana naman sa next na aapplyan ko, mas better.

Anything's going to be fine. Soon.

I prayed to God for the better days. Sana. Sana.

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon