Chapter 8

18 0 0
                                    

Wonder

Nasa shop ako ngayong araw. Konti pa lang ang napapadpad sa cake shop kaya medyo chill chill muna kami.

Nagkaroon din ng short talk regarding their experiences. One month na ding nagtatrabaho sina Jess and Danica dito. Medyo nakakausap ko na si Danica at nakakapag share na siya sa akin ng secrets niya.

*flashback*
Nasa garden kami ng shop ngayon. Nagulat nga ako at bigla naman akong tinawag ni Danica.

"Thea?"

"Yes?" Sagot ko naman sa kanya. "Gusto ko lang sana mag share tutal naman close na din tayo."

"Go ahead."

Nagsimula siya noong bata pa siya. Ang sabi niya ay, tatlo silang magkakababata noon at lumipat ang isang babaeng kaibigan niya.

"She's there for me. Palagi iyon dahil nga siya lang ang nagiisang kaibigan kong babae. Close kaming tatlo sa isa't isa. I'm also there for her to listen about her rants about having a bad life. Pero sa pagkakaalam ko, siya ang may pinaka maayos na buhay. She gets everything she wants. Even the boy that I loved." Yumuko naman ito at medyo nahiya sa kinwento.

Nagtaka naman ako dahil puro nalang ang babaeng kaibigan niya ang bida, "How about the boy?"

"Uhm...Ano..kasi." Tumingin siya sa baba at halatang nahihiya.

"Long story girl. Next time nalang. You'll know it soon." Kumindat naman siya sa akin at pumasok na sa loob ng shop.

Nagulat naman ako ng biglang magtanong si chef. Naalala ko na naman ang scenario na 'yon. I still wonder who is that boy. At bakit parang hindi siya kumportableng ikwento.

Anyway, bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Twelve na at mukhang napasarap ang kwentuhan namin.

Masaya ako sa lahat ng nangyayari, maganda man o hindi. Napangiti ako sa mga alaalang iyon. Masakit man balikan pero alam kong hindi na at wala na.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil sa pag tunog nito.

1 message received

From Kasandra:
See you later. Puntahan kita sa bahay niyo may gusto lang akong sabihin. Take care :*

Ano naman kaya iyo? Hmm.

Bigla namang pumasok ang isang lalaki. Naka maong pants ito at naka polo. Ngayon ko lang siya nakitang mapadpad dito sa street at sa shop.

"Hello. Ikaw ba si Althea?" Bati nito. "Oo ako nga. Bakit?" Tanong ko naman.

"I'm Grey's best friend. Carlton Darden." Sabay lahad ng kamay nito. Agad ko naman iyong tinanggap at nagpakilala.

"Deanne Althea. Just call me Althea." I smiled. Ngumiti din ito pabalik at umupo sa isang bakanteng lamesa. Tinawag ako nito kaya sumunod na din ako.

"Carlton right? Pwede bang Carl nalang? Ang hirap kasing bigkasin ng pangalan mo." Napatawa naman ito sa sinabi ko. What's funny?

"Okay lang don't worry."

"So bakit ka nga nandito?"

"Si Grey kasi pinapatanong kung pwede ka daw ba ngayon?"

"Bakit ikaw ang nandito?"

"Busy kasi siya kasama ang mga magulang. Gusto niya lang sana na makita ka."

"Ahh. Kaya lang kasi hindi ako pwede. Nag promise kasi ako sa kaibigan ko na magkikita kami ngayon. Pakisabi na next time nalang. Hayaan mo ako na ang magsasabi tutal naman may number niya ko. Thanks anyway." I smiled at him.

"Sige. Nice to meet you." He smiled back.

Nagpaalam na din ito na aalis na at may trabaho pa daw siya.

Papunta na sana ako sa garden ngunit may narinig akong mga hikbi.

"W-Why? Of all people bakit ba kasi ikaw pa?"

Dali dali naman akong lumabas at hinanap kung sino iyon. Si Danica pala. Ano kaya ang nangyari?

"Danica okay ka lang?" Pinunasan naman niya ang mga luhang nasa pisngi niya at nginitian ako. Sadness is all over her face.

"Oo naman okay lang ako. May naalala lang. Sige pasok na ako." Tinanguan ko lang siya at umupo saglit sa garden.

Sino naman kaya ang tinutukoy ni Danica?

-----

By six o'clock nakarating na din ako sa bahay. Wala pa si Kas kaya nagluto muna ako para sa aming dalawa.

"Thea ako na diyan. Hintayin mo nalang si Kasandra sa labas." Suggest ni mommy.

"Hindi na po. I insist"

"Sige. Ikaw nang bahala diyan tatawagin nalang kita pag nandiyan na ang kaibigan mo."

"Sige po. Thanks."

Umalis na si mommy sa kusina at dumiretso na sa sala. Pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ko. Kinakabahan pa din ako sa mga sasabihin ni Kas. Ngayon lang siya nagaya na magusap at dito pa talaga sa bahay namin.

Makalipas ang ilang minuto ang narinig ko na din ang busina ng sasakyan ni Kasandra galing sa labas.

Narinig ko namang binati na niya si mommy at umupo na sa sofa.

Pagkatapos kong mag luto ay tinawag ko na siya para mag dinner muna.

"Kain ka muna."

"Can we start?" She asked.

"Alin?" I asked with curiosity.

"The talk. Yun lang kasi talaga ang sadya ko."

So okay? There must be something in this talk.

"Sige. Pwede naman tayong magusap ng kuma-"

"Gusto ko sana yung tayo lang? I mean sa kwarto mo nalang." Sabi niya kaya naputol ang sasabihin ko.

Seriously what's with this girl?

Umakyat na kami sa kwarto ko at nagusap na nga. Akala ko naman something strange ang paguusapan. Kinabahan ako ng bongga.

"So ano na ngang plano mo?" Tanong ko sa kanya.

Kaslaukuyan kaming naghahanap ng destination kung saan pupwedeng isurprise si Laura.

Laura Taylor is one of her closest friend. Isang beses ko pa lang siyang namimeet dahil sa states naka base ang parents niya. Hindi din naman nakukwento sa akin ni Kasandra ang about sa kanya.

"Gusto ko sana yung simple lang pero matutuwa siya."

Napa-'ahh' nalang ako sa sinabi niya. Naging seryoso naman ang mukha nito at humarap muli sa akin.

She held my hand and looked straight into my eyes, "Ang totoo niyan may gusto talaga akong sabihin sayo. Alam mo namang di ako magaabalang pumunta dito kung hindi importante."

"I want you to know that-" naputol ang kanyang sasabihin dahil sa tumawag. She excused herself and went outside.

Kinuha ko naman ang laptop niya at pinagpatuloy ang paghahanap ng place.

Napatingin ako sa pinto nang narinig ko ang sigaw ni Kas, "WHAT?!" Nagulat naman ako sa akas ng boses ni Kasandra. Ano kayang nangyari?

"Sige I'll be there." That was the last sentence she said to the caller.

Pumasok naman ito sa kwarto ko at agad agad na iniligpit ang kanyang mga gamit.

"Kas calm down," sabi ko. "Ano bang nagyari?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at agad lumabas ng kwarto.

*****
Author's note:
           Revelations soon ;)

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon