Chapter 19

22 0 0
                                    

Stalker?

Napatulala nalang ako sa sinabi niya. Kamusta naman kaya mukha ko ngayon?

"Deanne hoy!" Sigaw nito habang nakatingin pa din sa daan at nagdadrive.

"A-Ano Grey, san ba tayo pupunta?"

"Di ko din alam eh."

"Alam ko na!"

Sinabi ko ang direction sa kanya at pumayag naman siya. Good thing, ang tagal ko na ding hindi nakakapunta doon.

"Sure ka ba dito Deanne?" Tanong niya habang sinusundan ang direction na sinabi ko.

"Oo naman! Di ko makakalimutan yun noh!" Kahit lasing ako ng makarating don. "Alam mo, magdrive ka nalang. Malapit na tayo."

Sinunod naman niya at nakarating naman kami ng buhay.

"Wow." Sabi niya ng makarating kami.

"Oh diba maganda? Sabi ko naman sayo eh!"

Kasalukuyan kaming nasa baba ng isang mataas na lugar. May hagdaan na papakyat dito at pag nakarating ka na sa itaas, kitang kita mo ang view dito.

"Tara na Grey. Dali!"

Nagpahila nalang siya sa akin at umakyat na kami. Walang tao dito at hindi din siya tourist spot. Nadiscover ko lang to nung naglayas ako samin at dito napadpad.

Umupo kami sa damuhan at pinagmasadan ang paligid. May isang mataas na puno sa gitna na nalililiman kami.

"Ang ganda dito." Sabi niya.

"I know right! Maliit na bagay ano ka ba. Matagal ko ng alam yun."

"Yung lugar hindi ikaw!"

Dinilaan pa ko. Isip bata.

"Deanne." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Hmm?"

"Palagi mong tatandaan na andito lang ako palagi para sayo. Malayo o malapit, I'll be there to save you. Siguro nga akala mo hindi ako seryoso o kung ano man. But believe me, I want you to feel the way you felt years ago. Sana lahat ng detail about sainyo, sakanya wala na. Cause I'm willing to sacrifice everything just to make you happy. Even myself." Tiningnan niya ako at inakbayan.

Tanging ngiti nalang ang naisagot ko. Kahit abnormal to, mabait naman pala.

Nagkwentuhan pa kami at kumain. Feel na feel namin yung hangin eh. I really like this place. Sobrang relaxing. 

"Deanne alam mo?" Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at sobrang seryoso nito.

"Ano?"

"Ang pangit mo." Sabi nito sabay hagalpak ng tawa. Leche!

Pinagpapalo ko siya at binatukan. Aba nga naman, nagsalita ang pogi.

"Fyi, kung titingin ka sa salamin, baka naman gusto mong bawiin yung sinabi mo sakin at ipaalala na nagkamali ka lang. Try mo balita ko nakakagwapo. Ng magkaron ka naman kahit slight lang."

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon