Chapter 14

10 1 0
                                    

Kasandra's

Dumiretso kami ni Danica sa bahay nila Kasandra. This is the right time to talk about it.

"Thea san tayo pupunta?" Tanong ni Danica habang nakatuon ang tingin ko sa kalsada.

"You'll see."

"P-pero di mo naman ako kailangan isama."

"You need to go with me, okay?!"

Nakita ko namang napayuko siya at mukhang nagulat sa inasta ko.

"I'm sorry," sabi ko.

Di na siya nagsalita pa at nag drive nalang ako papunta sa bahay nina Kasandra. Alam ko eto na yon, masira man yung friendship na meron kami pero di na mababago yung giawa niya sakin.

Pinark ko yung sasakyan sa tapat ng bahay nila at nag doorbell. Binuksan naman ito ni Kasandra at umambang yayakapin ako pero sinampal ko siya.

"You betrayed me! Ano klaseng kaibigan ka ha?! Bitch!" At sinampal ko siya sa kabilang pisngi niya.

Nakita ko namang lumabas si Danica sa kotse at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Thea calm down." She said.

"No Nica, I deserved it." Sabi naman ni Kasandra. Napalingon ako kay Danica at binigyan niya lang ako ng isang tango.

"Yes you do! Alam mo Kasandra, kulang pa yan sa pinag gagagawa mo kay Althea. You don't deserve her!"

"I know, I know." Yumuko si Kasandra habang umiiyak. "I'll explain Deanne."

"You don't call me that name! Di nga kita kilala eh!"

"Now Kasandra explain everything to her!"

"Thea," sambit nito at hinawakan ako sa kamay. Aagawin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak dito.

"A-Alam ko naging masama akong kaibigan sayo, sainyo," panimula niya. "But believe me, nasaktan din ako."

"Akala ko, galit ka sakanya dahil iniwan niya ko. But everything's a lie." May tumakas na luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan.

"Yun nga Althea! Ang tanga mo kasi! You never think of me. Sobrang nagalit ako sayo non dahil ikaw pala yung dahilan kung bakit iniwan ako ni Drake. Kaya napagpasyahan kong kaibiganin ka. Para naman malaman mo yung feeling na iniwan at niloko."

"The hell Kasandra! Limang taon, limang taon akong sinaktan at niloko. Ngayon, sino ang hindi nakaranas ha?!"

"Limang taon din akong nasasaktan Althea! Sa tuwing nakikita ko kung gaano kalungkot si Drake pag nagaaway kayo, pag hindi mo siya sinisipot sa dates niyo! I was there for him the whole damn time kahit iniwan niya ko para sayo. Hindi ko siya pinigilan dahil tinanggap ko na mas sasaya siya sayo. Galit na galit ako sayo Althea! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganto ako. Kung bakit lahat ng tao nilalayuan ako dahil ikaw palagi yung nakikita nila! Kaya sana naman, intindihin mo din ako."

"Intindihin?! Big word Kasandra! Buong akala ko, nagalit ka kay Drake dahil iniwan niya ko. But you don't even mind o tell me even a single detail. K-kahit ano w-wala kang sinabi. Nagtiwala ako na nandiyan ka lang para sakin, pero simula nung nakita kita sa ospital dahil sa kanya, nagbago na yung tingin ko sayo. You're not the same Kasandra I met six years ago. And you will never be the same anymore."

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinila na si Danica para umalis.

-----
A/N: Non-sense update. :'( xoxo

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon