Chapter 21

7 0 0
                                    

Letter

Weeks past patuloy pa din sa pagpapadala si secret admirer sakin ng bouquet at teddy bear.

"Thea! Yung bouquet oh tsaka yung teddy bear." Sigaw ni yaya galing sa baba.

Agad naman akong lumabas and to my surprise, di lang bouquet at teddy bear, may box pa.

"Ya, kanino galing yung box?" Dumungaw ako sa hagdan at nakitang naglilinis si yaya sa sala.

"Box?"

"Opo. Eto oh," pinakita ko naman ito sakanya.

"Wala akong matandaan. Bumaba ka rito at buksan natin."

Sinunod ko naman ang sinabi ni yaya Sita at bumaba dala ang box. Pagkababa ay umupo ako sa sofa at hinayaan siyang buksan ito. 

"T....The....a," she called.

"Ya bakit?" Agad naman akong napatayo at kinuha ang box sakanya. I was shocked when she give it to me.

Maraming pictures ang nasa loob ng box. Patay na hayop at ilang dead bodies din ang nakaprint. May death threats na nakasulat sa bawat papel. Mukhang sulat babae pero ang iba ay parang panlalaki.

Naagaw ng atensyon ko ang nag iisang papel na kulay blue sa loob ng box. Mukhang ito ata talaga ang gustong sabihin ng nagpadala.

Althea,
     See those pictures? Oh well, natakot ka ba? Haha. That's right. Di mo deserve ang sumaya kahit kelan. You always get something that's not meant for you. Mang aagaw, salitang hindi sapat para idescribe ka. You'll suffer I tell you. So goodluck! May your dearest Grey save you. Hahaha!

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa nakasulat. Wala akong idea kung sino 'to. Maaaring siya din si Mystery Texter at yung feeling ko na tumitingin sakin. Hindi kaya siya din yung nagpapadala ng bouquet at teddy bear? Hindi naman siguro.

-----

"Grey."

"Oh Deanne bakit pinapunta mo ko? May problema ba?" Nagaalalang tanong nito.

"May nagpapadala kasi ng death threat sakin."

"Death threat?! Sino naman ang magpapadala sa'yo ng ganon? Do you have any clue?"

"Meron pero sigurado akong hindi magagawa yon sakin ng kaibigan ko."

"Hindi kaya..." Napatigil siya at agad akong hinila. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nagmadaling mag drive. Mukhang alam ko kung saan kami didiretso.

"G-grey, di niya magagawa sakin to."

"Are you sure? Paano kung siya? Deanne you don't know them!"

Napayuko nalang ako at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi. I don't want to believe pero yun din ang akala ko.

Nang makarating kami ay agad agad na bumaba si Grey at dirediretsing pinindot ang doorbell. Lumabas naman si manang at mukhang nagulat sa existence ko. Hays, ngayon lang ba siya nainform na buhay ako? Joke.

"Si Kasandra?" Bungad ni Grey na galit na galit na.

"Manang pasensya na po." Hinawakan ko ang braso ni Grey at akmang hihilahin na siya pero tinabig niya ito.

"Grey ano ba! Tara na."

"No," humarap naman ito kay manang. "Si Kasandra? Asan siya?"

"Eh, hijo. Matagal ng wala si Kasandra dito. Tanging ako nalang at ilang bodyguards ang pinaiwan nila ma'am para may makasama akong magbantay," Nilapitan ako ni manang at may inabot sa papel sa akin. "Nga pala Althea, pinabibigay ni Kasandra."

Tinanguan ko si manang at aga na hinila si Grey.

"That's rude!" Sigaw ko sakanya.

Di na niya ako pinansin at dumiretso na sa sasakyan. Sinundan ko naman dito at sumakay na din.

Walang kumikibo sa amin kaya binuksan ko nalang ang sulat na binigay ni manang.

Althea,
     Di mo man tanggapin 'to pero sana balang araw mapatawad mo ko. Sana pumunta ka samin at tanungin kung kamusta na ko. Andito na lahat ng gusto kong sabihin.

Althea alam mo kung gaano ka kaimportante sakin. Oo siguro ang akala mo niloko kita pero hindi 'yon totoo. Alam kong di mo pakikinggan ang explanation ko kaya mabuting wag nalang. Gusto kong magpasalamat sa limang taon na nakasama kita. We laughed, we cried, but we never go. Sana masaya ka kung nasaan ka. Sana masaya ka kay Grey kasi alam kong aalagaan ka niya.

You'll know anything soon. Kung nasaan man ako, masaya na ko dito. Wala ako sa langit buhay pa ko. I love you and I always do. Just take care of yourself, at kung dumating man ang panahin na mapapahamak ka, alam kong ililigtas ka niya.

My tears fell. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa letter na nabasa ko. This explains everything at naniniwala akong pinagsisisihan niya ang lahat ng nangyari.

Nakita ko namang napatingin sakin si Grey.

"What's wrong?"

"Okay lang ako."

Di na siya sumagot at diretso lang ang tingin sa daan. I should solve this problem on my own. Ayokong mapahamak pa ang ibang tao ng dahil sakin.

Huminto ang sasakyan sa isang coffee shop. Bumaba na din ako at agad na pumasok sa loob.

Tulala lang ako buong oras na nandon kami. Di na din siya nagsalita at uminom nalang sa kapeng inorder niya.

-----

Nakauwi na ko ng mag seven o'clock ng gabi. Nagtext kasi si mommy na tatawag siya para kamustahin kami ni Ellaine.

I looked at the teddy bears in front of me. Sobrang sayang tingnan dahil papalaki ng papalaki ang size nito.

Kumatok na si yaya kaya agad akong napatayo at lumabas.

"Hello Thea!" Bati ni mommy sa kabilang linya.

"Hello po!"

"Kamusta naman kayo diyan?"

"Okay naman po. Take care always po. Bibigay ko na kay Ellaine."

Pagkabigay ko ng telepono kay Ellaine ay umakyat agad ako sa terrace. Eto yung place na palagi akong umiiyak pag may problema.

Naupo ako at tumingala sa langit.

Alam kong pagsubok lang lahat ng to. Kung sino man ang taong nagpapadala sakin ng mga bagay na yon ay thankful ako. Sa ngayon, iniisip ko nalang lahat ng bagay na nagpapasaya sakin. Sapat na yon para alalahanin ko na wala akong dapat ikatakot. At kung dumating man yung araw na pinaka kinatatakutan ko, handa na ko.

To The Person AcrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon