11

4.2K 152 5
                                    

All in all. Ang saya ng unang araw namin. Enjoy at pagod ang lahat kaya early pa kami nakapag pahinga.

As usual ako na naman ang taga gising sa kwarto. Ako narin nag order ng breakfast for all of us. Nag order narin ako ng pang lunch namin dahil baka di na kami makabalik at dumiretso na sa Lake Dabum.

Natawa pa ako dahil halos sabay sabay na silang nakapunta sa restaurant plus naka ready narin ang breakfast.

"Good morning early bird!" Rj

"Good morning! Kamusta tulog?"

"Ok naman. Ayun nakapagpahinga. Napagod ata katawan ko kahapon kaka alalay sayo." Rj said sabay smile at kilay language

"Hoy! Sinabi ko bang alalayan mo ko? Ikaw kaya tong tudo prisonta tapos ngayon magrereklamo ka." Sumbat ko balik sa kanya pero smiling parin.

"Joke lang. Eto naman. Hahaha kain na nga tayo." Rj

"Kayo kaya kumain na. Patapos na kami oh. Binili nyo na naman ang mundo para sa inyo. Hala kain." Jose

"Opo kakain na. Water activities tayo ngayon ah. Falls at lake yung pupuntahan natin. Paalala ko lang."

"Ready na yung two piece ko." Oreo

"Anong two piece? Gusto mong magkasakit? Anlamig dito tapos two piece? Lakas ng loob mo ah." Pie

"Alangan namang mag jacket ka habang lumalangoy diba?" Oreo

"May tinatawag na rush guard iha. Yun isuot mo." Jose

"Hala sya two piece-two piece ka doon eh kung manuno ka?" Wally

"Ah ganoon? Eh dito palang ata nanuno na ako oh." Oreo said sabay turo kay Kuya Wally

Tawanan lang kami during breakfast.
After breakfast ay tamang dumating naman si Manong Eric para sunduin kami papuntang Falls.

"Ano tong isang container meng?" Kuya jose

"Pagkain yan kuya. Para diretso na tayong Lake Danum mamaya after sa Falls."

"Ako na magdadala nyan mamaya Maam. Baka kasi mahirapan kayo lalo na't bago lang kayo sa lugar tsaka para maka enjoy talaga kayo." Manong

"Salamat manong. Oo nga pala Manong bukas maaga po tayo ah."

"Po maam. Nakita ko po da itenerary nyo. Sunduin ko po kayo ng alas kwatro ha." Manong

"Alas kwatro???" All

Natawa ako sa reaction nila maliban kay Rj na alam na nya kung saan pupunta.

"Ang aga naman Meng eh." Pat

"Don't worry. Im sure you'll enjoy it there. Promise."

"Siguraduhin mo lang noh." Kuya jose

"Oo nga po. Basta bukas na yun. Let's enjoy lang po ngayon."

"Alam mo Nicomaine, andami mong pakulo eh." Kuya Wally

"Let's just trust Meng po. Diba nga nag enjoy naman tayo so let's just think na mag eenjoy din tayo for today and tomorrow." Rj

Tumango tangu nalang ang ibang kasama namin. Minsan ansarap nilang kalbuhin eh. Ayaw pa talagang maniwala sakin. Grabe sila!

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon