25

4.8K 157 17
                                    

Rj

"I love you Meng, i really do."

Pero bago ako lumabas ay narinig ko syang nagsalita ng mahina.

"I love you too Rj, i really do." Meng

Napabalik ako ng wala sa oras dahil sa narinig ko.

"Are you sure of it, Meng?"

Tinanong ko sya pero nakapikit lang sya.

"Oooy Meng, gising. Gusto ko lang e sure to. Baka mamaya nag sleep talk ka lang o pinag ti-tripan mo lang ako."

Wala paring response.

"Meng, oy, nababaliw na ko kakaisip dito oh."

"Shhhhh, inaantok na ko eh." Meng

"Meng totoo ba yung narinig ko?"

Tahimik na naman sya kaya niyugyug ko na naman sya ulit.

"Nicomaine naman eh. Kung eto lukuhan lang talagang masasaktan ako Meng. Sagutin mo naman ako oh, baka kapag tumagal pa to mabaliw na ko. Oyyyy..."

Then she raised her hand and hold my face pero nakapikit parin.

"Inaantok na ako mahal, patulogin mo muna girlfriend mo ha. Kundi sasapakin kita. I love you." Meng

Wala sa sarili akong lumabas sa kwarto niya.

"Mahal?"

Pababa na ako ng hagdan at wala akong pakialam kong malaglag na ako.

"Girlfriend ko?"

Dire diretso na ko sa labas. Di na nga ako nakapag paalam kay Nana.

"I love you? Nag i love you sya sakin?"

Pagpasok ko sa sasakyan ko ay doon lang nag sink in sakin ang lahat.

"Ibig bang sabihin nito..."

Nag isip ako ulit tapos eh napatingin sa sarili ko sa salamin.

"Yes!!!!!!! Kami na ng Mahal ko!"

Maine

Pagmulat ko ay napangiti ako remembering the moments before i sleep.

Kamusta na kaya ang lalaking yun?

Nakauwi kaya yon ng safe?

Ok narin naman ang pakiramdam ko kaya lumabas na ko ng kwarto. Sa hagdan eh nakasalubong ko si Nana.

"Naka uwi na po ba si Tatay, Na?"

"Ok, nasa opisina nya ata." Nana

"Si Rj po ba nakita nyo kanina paglabas?"

"Oo, tawag ko nga ng tawag pero dire diretso lang. Nag away ba kayo? Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo." Nana

"Hala, hindi po. Ok nga po kami pag alis nya eh. Sige po, puntahan ko muna si Tatay."

"Oh sya sige at ihahanda ko na yung meryenda nyo." Nana

Bumaba na si Nana habang ako naman eh dimiretso na sa opisina ni Tatay.

"Tay?"

"Pasok nak. Kamusta pakiramdam mo?" Tatay

"Ok na po ako Tay. Kayo po how's your day?"

"Eto busy reviewing this papers and planning pero all good. Ikaw? Sabi ni Ruby kanina dumating daw si Rj at pinagalitan ka." Tatay

"Oo nga tay eh. Pagalitan nyo nga Tay."

"Oh? Bakit ako? Tsaka you deserve that, sa tigas ba naman ng ulo mo minsan, kailangan din ng taong magpapalambot jan." Tatay

"Tay naman eh."

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon