51

4.4K 165 17
                                    

"Hi Kuya Jose! Kuya Wally! Kuya Pao!"

"Oyyyyy! Menggay!" Kuya Jose

"Si Tatay po?"

"Nasa opisina nya." Kuya Wally

"Busy ba?"

"Kausap mga Tito mo. Dumating kanina." Kuya Pao

"Andito sila? Ang bilis naman nilang makasagap ng balita."

"Oy Meng! Congratz ah!!! Sobrang saya namin para sa inyo ni Tisoy." Kuya Wally

"Oo nga Meng. Akala ko nga diretsong kasal na wala ng propose propose pero talagang ginawan na ng paraan ni Rj." Kuya Jose

"Nadala sa biglaan Kuya... Hehe."

"Pumasok ka na doon. Kakapabili lang ni Bossing meryenda. Sige na." Kuya Paolo

"Sige po see you later!"

Kumatok ako bago pumasok pero walang kumibo kaya dumiretso na ako at doon ko nakitang nagpapahid ng luha yung apat kaya hinayaan ko muna at tahimik lang akong nakinig sa kanila.

"Oh, paano ba yan? Ready ka ng ipamigay ang anak mo?" Tito Sen

"Oo naman." Tatay

"Yung totoo?" Tito A

"Hay!!! Syempre bilang Ama mahirap din, aalis na yung prinsesa ko sa poder ko, di ko na sya laging makikita, makakasama, makakausap, mayayakap, di ko na sya masisilip sa kwarto nya bago ako matulog. Andami ng mga nakasanayan ko ang matitigil pero syempre din, malaki na si Meng, may sarili na syang buhay, sariling desisyon, at alam ko namang mahal nila ang isa't isa. Matinong bata si Rj, at isa pa, alam kong di nya pababayaan si Meng at alam ko ring matatag na yung dalawang yun. Kaya kung ano man ang magiging desisyon nila, susuportahan ko." Tatay

"Pero mukhang ako yung hindi pa handa na magka asawa yung pamangkin ko eh." Tito sen

"Hay naku Vicente. Ano ba naman kayo? Masaya si Meng sa kung anong meron sila ni Rj ngayon, sabi nga nitong si Vic diba? Support lang tayo kay Menggay. Syempre normal lang na di tayo maging handa pero para to sa kasiyahan at kinabukasan ng bata kaya tanggapin nalang natin." Tito Joey

"Tsaka aminin nyo, tumatanda na tayo,.." Tito A

"Ikaw lang..." Tatay

"Hoy! Mas matanda ka sakin, wag kang ano." Tito A

"Oo nga pala." Tatay

"At saka may plano ba sina Rj na mamanhikan na?" Tita A

"Wala pa namang sinasabi ang mga bata sakin. Pero sa meron. Syempre kahit modern time na ngayon mas maganda paring may ganoong pormal na pagpapakilala at pagtanggap mula sa kani kanilang pamilya." Tatay

"Tama, kahit tayo, nasa tradisyon na ng pamilya natin yan." Tito Sen

"Sabagay. Meron naman siguro, hintay hintayin nalang natain. Alam nyo naman ang dalawang yan, biglaan kung biglaan." Tito Joey

Biglang natahimik ang apat.

"Yun nga, pero aminin nyo, hindi lang kayo sa pamamanhikan sabik diba?" Tito A

"Meron pa ba?" Tito Sen

"Aside sa kasal at pamamanhikan parang wala narin naman." Tatay

"Aminin nyo sabik narin kayong magka apo, diba?" Tito A

"Yun! Yun ang natagal ko ng hinihintay!" Tiyo Joey

"Matagal ko ng hinihiling!" Tito Sen

"Matagal ko ng pinapanalangin!" Tatay

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon