50

4.6K 154 16
                                    

Rj's POV

Pagkahatid ko kay Menggay kagabi ay di na ko umuwi pa sa bahay ni Samir. Dito na ko nakatulog sa bahay. Nahiya na kasi akong mang estorbo pero yung kumakatok ngayon sa baba talagang walang hiya!

Estorbo kung estorbo eh. I check the time at nakita kong alas sinco palang ng umaga. Parang gusto ko tuloy mag amok dahil ke aga aga may nang e-estobo sa tulog ko.

Inaantok pa akong bumaba sa living room tapos ay narinig ko ulit yung sunod sunod na katok sa pinto.

"Sandali!!! Eto na po!!! Bubuksan na!!!"

Sya nang estorbo sya pang nagmamadali.

Pag-unlock ko ng pinto ay bumungad agad ang mukha ni Samir at Jerald na di ko ma explain kung ano yung pina pakita nilang emosyon. Kanya kanyang bitbit din ang mga ito ng cellphone nila.

"Susmaryosep! Anong nangyari sa inyo? Sinong naghold-up sa inyo?"

"Walang hold-up!" Jerald

"Eh anong nangyari sa inyo?"

"Pwede papasukin mo muna kami? Ang lamig na oh." Sam

"Eh sino ba naman kasing baliw ang sumanib sa katawan nyo at lumabas kayong bahay ng naka boxers lang, ha? Alam nyong ang lamig dito kapag madaling araw tapos rarampa kayo ng nakaganyan?"

"Ikaw! Ikaw ang lapastangang may kasalanan nito." Jerald

"Ako? Bakit naman ako? Anong ginawa ko sa inyo?"

"Hindi lang ikaw! Kayo ni Menggay! Kayo ang may kasalanan!" Sam

"Aba, sandali at ibang usapan na yang dinadamay nyo si Menggay sa kalukuhan nyo dito. Umuwi na nga kayo, alam nyo bang alas sinco palang at nang eestorbo kayo ng dapat na oras ko pa para magpahinga?"

"Alam mo bang na estorbo nyo rin ni Meng ang pamamahinga namin dahil sa post na to? Dahil dito Richard! Dahil dito! Lapastangan kayo!" Jerald

"Oo lapastangan ka! Paano mo nagawa samin to pinsan? Paano mo natago samin? Akala ko ba close tayo? Halos sabay sabay na tayong lumaki. Mula bata magkakasama na tayo. Kahit sa paliligo noon sa lake, kahit noong nagpatu--" Sam

"Shhhhh! Ano ba yan Samir? Alam nyo ang senti nyo. Matulog nga muna kayo."

"Wala! Walang matutulog hanggat hindi ka nagpapaliwanag samin!" Jerald

"Ano naman ipapaliwanag ko sa inyo?"

"Kwento mo samin kung bakit ni hindi mo manlang kami sinabihan na may plano ka ng magpropose kay Meng at kung bakit di manlang kami na orient!" Sam

Bumuntong hininga muna ako. Hindi narin naman ako makakatakas dito sa dalawa eh.

"Ok, ganito kasi yun..."

So napilitan na ako magkwento about noong proposal at yung namgyari before noon.

"Kaya yun ang nangyari. Hindi naman dapat noong time na yun ang plano ko pero wala eh, nagkabiglaaan nalang dahil sa nangyari kay Menggay."

Tahimik lang ang dalawa. Parang tulala pa nga.

"Hoy!!! Ano? Ok na? Pwede na ako ulit magpahinga? Inaantok pa ako oh."

At biglang napansin ko nalang na nagpapahid na ng luha ang dalawa. Di ko na tuloy napigilang tumawa.

"Susmaryosep! Hoy! Bat kayo umiiyak? Ke lalaki nyong tao kung makaiyak kayo parang elementary na inagawan ng kendi ah."

"Wala to. Masaya lang talaga kami. Super saya for you bro. Di ko talaga inakala na yung pagdala ko dito sayo magbubunga ng ganito. Eh bakasyon lang naman yung pinunta mo dito pero yun nga, nakahanap ka pa ng ka forever mo. Im so happy for you pinsan." Sam

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon