46

4.2K 154 31
                                    

Maine's POV

Mula ng makarating sakin ang balitang nasa ospital ngayon si Rj ay parang dinudurog na paunti-unti ang puso ko.

Kani-kanina lang masaya akong naghihintay sa kanya sa chapel upang maikasal kami pero ngayon, ako naman ang hinihintay nya hindi sa simbahan kundi sa ospital.

Mabibigat ang hakbang ko pagpasok ko palang sa ospital. Nakasunod kami ngayon sa Pulis na sumalubong samin sa entrance. Nakahawak ako kay Tatay, para akong batang ngayon lang nag-aral maglakad. Takot na humakbang. Oo takot ang nararamdaman ko ngayon. Pero ang mabibigat na hakbang ko ay naging takbo ng marinig kong nasa ICU si Rj.

"Meng!!!"

Yun lang ang huling narinig ko galing kay Tatay dahil mabilis na akong pumunta sa ICU. Di ko alam kung saan ako pupunta pero hinayaan ko lang ang mga paa kong dalhin ako kung saan si Rj.

Umiiyak na binagtas ko ang hallway papunta sa ICU. Alam ko ring nakatingin na lahat ng tao sakin. Sino ba naman ang di titingin kong may babaeng tumatakbong umiiyak kayong madadaanan o makikita diba? Pero wala akong pakialam sa kanila ngayon.

Si Rj, sya ang kailangan kong makita ngayon. Sya ang gusto kong mahawakan at mayakap. Si Rj, ang lalaking mahal ko. Sya lang.

Nakayuko akong tumigil sa kwarto sa pinaka dulo ng hallway na ito. Nararamdaman kong andito lang sa malapit si Rj. Andito lang sya.

Naitukod ko ang nga kamay ko sa pinto. Humahagolgol na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang sa Nalugmok na ako sa harap ng pintuang kinatatayuan ko kanina. Hindi ko kayang pumasok. Wala akong lakas na pumasok sa kwarto at makita ang sitwasyon nya. Tawagin nyo na akong duwag pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Iyak lang ako ng iyak sa hallway. Hinahayaan ko lang na tumulo nag nga luha ko. Gusto kong ng malunod ngayon para mawala na lahat ng sakit.

"Rj naman kasi eh. Ba't ganito? Akala ko ba di mo ko iiwan? Diba ikakasal pa tayo? Andaya mo naman eh. Pinaayos na kaya nina Tatay yung chapel. Nakaputi na kami lahat lahat eh. Ikaw nalang kaya ang hinihintay. Pero bat ganito? Love naman, wala namang ganyanan oh. Sakit eh. Mahal ok na yung may banta da buhay ko basta andito ka lang sa tabi ko. Wag mo lang akong iwan. Kung lahat ng ito panaginip lang, please can someone wake me up? Ayoko ng ganito eh. Please.... Ayoko....."

Yun lang ang nasabi ko at humahulgol na naman ako ulit. Hanggang sa may narinig nalang akong may bumagsak.

"MENG???"

That voice. I know that voice....

Paglingon ko ay halos takbohin ko ang space sa pagitan namin. Pagdating ko sa lugar nya ay mabilis ko syang niyakap ng mahigpit.

"Anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak? Sinong may gawa nito sayo?" Rj

Umuling lang ako at niyakap sya ng mahigpit sabay hagulgul.

"Meng sinong nagpaiyak sayo? Sabihin mo sakin. Mahal please. Ayoko sa lahat yung makita kang umiiyak ng ganito. Sino may gawa ng maresbakan natin. Walang sino man ang maaaring magpaiyak sa mahal ko." Rj

Gusto kong magsalita pero di ko magawa. Umiiyak lang ako hanggang sa maupo na kami sa upuan sa labas ng ICU at nakakalong na ako sa kanya. Nakaupo sa lap nya, nakayakap sa leeg nya, at sya naman ay nakayakap narin sakin hanggang sa hinawakan nya yung baba ko at pilit akong hinarap sa kanya, sa seryoso at worried na mukha nya.

"Ako Nicomaine ah, sinong nagpaiyak sayo at sasapakin ko ngayon. Walang pwedeng magpaiyak sayo. Hala sabihin mo at magkakagulo kami. Walang hiya yun ah." Rj

Lumuluha pero napangiti ako sabay haplos sa mukha nya.

"G-gu- gusto mo ta-talaga ma- malaman?" Humihikbi kong sagot

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon