48

4K 151 35
                                    

Maine's POV

"Sarap naman nyan Madam!" Trix

"Dinner namin ni Rj. Dadaan kasi ako sa bahay nya. We will have dinner together."

"Wow! Sweet Naman ni Misis Faulkerson!" JL

"Mrs. Faulkerson ka jan."

"Di pa ba? Wala pang plans? Ano ba yan." Z

"Alam nyo, para kayong si Tatay. Umayos nga. At like what i said, mag-uusap muna kami ni Rj. Ok?"

"Take your time. Hindi naman dapat minamadali yang papasukin mo. Pag-aasawa yan Menggay, malaking responsibilidad din." Jermaine

" wag mo namang takutin! Pero alam mo Menggay, tama sila eh. Kung ako tatanungin, bakit ipapatagal pa eh witness na lahat kung gaano nyo kamahal ang isa't isa. Kasal nalang ang kulang sa inyo oh." Cindy

"Hindi naman kasi ganoon kadali yun. Eh halos nagmadali na kami noon kaya ngayon, we wanna take this slow. Menor muna, ganoon."

"Ah basta! Ang importante mahal nila ang isa't isa at andito tayo para sa kanila. Ok? Kaya chill lang tayo. Desisyon nila yan, buhay nila yan kaya wala tayong say jan. Support lang tayo." V

"Naks naman. Tats naman ako... Patulo na luha ko oh... Group hug naman jan oh."

Then nag group hug na kami. Tinulungan pa nila akong maghanda. Nagpadala din silang dessert. Ngiting satisfied sa pagkain na naman si Tisoy nito mamaya.

After preparing ay naghugas na akong kamay then nagtanggal ng apron sabay labas sa kitchen. Kinuha ko lang yung bag ko sa office at bumalik sa kusina para kunin ang basket ng dinner na hinanda ko.

"Bye everyone! See you tomorrow!"

Then nagdrive na ako papaunta sa bahay ni Rj. Pinadala ko narin kasi kay Kuya Wally yung sasakyan ko kanina.

Pagdating ko sa bahay ni Rj ay diretsong pasok na ako. May susi naman kasi ako eh. Yung ilaw lang sa labas yung bukas tapos naka dim na yung nasa living room pero ako nalang nagbukas lahat. Mukhang furnitures nalang talaga yung kulang.

"Love???"

No response kaya nilapag ko muna yung basket sa dining table na andoon sa kitchen.

"Kailan pa nagka lamesa dito?" Tanong ko sa sarili ko.

Inayus ko narin yung pagkain doon. May dala naman akong mga pinggan at kutsara pati baso.

"Love? Baba na muna. Let's eat!"

Wala paring response kaya after kong maghanda ng hapag ay umakyat na muna ako sa taas.

"Rj? Nasaan ka?"

Every switch ng ilaw na nadadaanan ko ay binubuksan ko na.

"Asaan na yung lalaking yun?"

Then tinungo ko yung masters bedroom.

"Love are you there? Papasok na ako ah!!!"

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sakin yung king size foam na nasa gitna ng kwarto. Tapos yung laptop nya na naka on pa. Naka kalat din sa sahig yung mga papel. May maliit na lamesa naman doon pero tubig at chichiria lang ang nakalagay.

"San na naman kaya pumunta yung lalaking yun? Gala talaga minsan oh. RICHARD????"

At dahil wala paring response ay kinuha ko na ang phone ko at tinawagan sya.

Pagkaring ay narinig ko naman yung ringtone nya kaya hinanap ko at natagpuan ko nga sa ilalim ng mga papeles na andoon.

Bigla akong kinabahan. Naalala ko bigla yung nangyari noon.

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon