24

4.5K 147 15
                                    

Kakagising ko lang and im a bit feeling sick. Sipon plus sakit ng mga kasu kasuan. Trangkaso pa more! You know why?

Flashback

"Meng!"

Ke aga aga nambubulabog sina Kuya Jose.

"Hoy Menggay gising na jan! Walking time na oh." Wally

"Pababa na po!"

Mabilis akong nagbihis at lumabas na. Di ko na dinala ang mga babies ko.

"Oh, wala ka atang kasama ngayon?" Paolo

"Bukas nalang po sila."

"Oh, lika na." Jose

Same place lang naman kami nagwalking slash jogging ng biglang bumuhos ang ulan. Sumilong muna sina Kuya Jose habang dumiretso naman ako.

"Hoy bata ka! Sumilong ka nga!" Jose

"Namiss ko maligo sa ulan kuya."

"Ay lintki lang, Meng kapag ikaw nagkasakit at kami napagalitan ni Tatay mo di ka na namin isasama sa morning ronda." Wally

"Kuya, ok lang. Ako bahala kay Tatay."

"Oo ligtas nga kami sa tatay mo, patay naman kami kay Rj." Paolo

"Ako na bahala sa dalawang yun."

"Dito ka na Meng. Maawa ka sa buhay namin. Mahal ko pa buhay ko oh." Jose

"Una na po ako Kuya. Ingat sa pag uwi mamaya!"

Dumiretso na ko sa bahay. Pinagalitan pa nga po ako ni Nana dahil pawis ako then nagpa-ulan pa. Nagsecond sermon pa si Tatay kinahapunan. Hay naku lang.

End of flashback

And now, ramdam ko na yung result ng kalukuhan ko kahapon.

"Achoo!"

At eto na nga sya.

"Ayan kasi, oh kumain ka muna at ng makainom ka na ng gamot." Nana

"Na, sakit ng katawan ko."

"Eh sino ba nagsabi sayong mag paulan ka?" Nana

"Na excite ako sa ulan eh. Si Tatay po?"

"Nasa taas. Pababa na yun. Kumain ka na ng makainom ka ng gamot at makapagpahinga. Hay na bata to oh." Nana

"Anlamig Na!"

"Oh uminom ka ng mainit na gatas ng mainitan yang sikmura. Tatawagan ko na ba si Sam?" Nana

Si Sam? Juskopo makakarating pa to kay Rj eh.

"Ok lang ako na tsaka isang bioflu at pahinga lang to."

"Oh sige na kumain ka na jan, eto gamot mo oh." Nana

Habang kumakain naman ako ay bumaba na si Tatay.

"Oh, ngayon, mukha kang lumpia jan. Lamig noh? Sige paulan ka pa." Tatay

"Good morning Tay!"

"Ewan ko sayong bata ka. Kamusta pakiramdam mo?" Tatay asked and kissed my forehead

"Anak ang init mo ah. Magpa ospital na kaya tayo. Pulang pula ka na tapos ang init mo pa." Tatay

"Ok lang po ako. Masakit lang po katawan ko at nilalamig pero ok pa po. Sabi ko nga kay Nana isang Bioflu lang to."

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon