45

3.3K 133 12
                                    

BANG!!!!!!!!!!

Isang putok ang umalingawngaw sa lugar na pinag-uusapan nina Rj at Cindy.

Mabilis namang kumilos ang mga naka standby na miembro ng kapulisan at nadakip ang mga kasama ni Cindy. Mabilis namang inasikaso ng medical team ang may tama ng bala.

Sa Brgy. Pag-ibig:

"Anak?" Bossing

"Tay?" Maine

Umupo si Bossing sa tabi ng anak at inakbayan ito sabay halik sa ulo.

"Hindi ko inakalang ganito kaaga kita ihahatid sa altar." Bossing

"Oyyyy, Tay naman." Meng

"Seryoso ako anak. Wag kang ano jan." Bossing

"Ok, sige seryoso na." Meng

"Di ko talaga inakala na magpapakasal ka ng ganito kaaga. Akala ko nga maghihintay ka pa na mag trenta anyos ka bago mag-asawa eh. Naalala mo ba noong bata ka kapag tinatanong kita kung anong gusto mo paglaki mo? Palagi mong sinasabing gusto mong maging Chef, magtayo ng restaurant mo tapos, maglilibot pa tayo sa mundo pero wala eh, parang ang bilis mong nagawa lahat ng pangarap mo. At dumating din si Rj sa buhay mo." Bossing

"Tay, kinakabahan ako sa mga sinasabi mo ah... Bat parang may kutob akong di ka papayag na magpakasal kami ng Rj ngayon." Meng

"Di naman sa ganoon nak. Masaya nga ako eh, alam ko kasing sa isang mabuting lalaki ka mapupunta. Mamahalin at aalagaan ka nya. May tiwala akong di ka pababayaan ni Rj nak, at higit sa lahat alam kong mahal na mahal ka ni Rj, mas sobra pa sa pagmamahal ko sayo." Bossing

Niyakap naman ni Maine ang ama.

"Tay, salamat sa lahat. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang superman ko diba? Anjan ka lagi para sakin, sa saya man o sa lungkot. Anjan ka lagi para suportahan ako sa lahat ng nga desisyon ko sa buhay ko. Salamat din po sa mga sakripisyo nyo. Tay, thanks for accepting Rj as my other half. You will always be my Tatay, my superman, my bossing and my Kap. I love you much Tay." Maine

Niyakap lang ng mahigpit ni Bossing ang anak.

"Kung andito si Nanay mo, alam kong magiging super saya noon. Kasi panibagong milestone na naman to sa buhay mo. Kung andito sya sana dalawa kaming maghahatid sayo sa altar at sa magiging asawa mo. Pero alam ko ding kung saan man sya ngayon nakikita ka nya at sobrang saya dahil gaya nga ng sabi ko, sa isang karapatdapat na lalaki ka mapupunta. We always love you nak. Kahit anong mangyari, ikaw parin ang kaisa isang Menggay ng buhay ko. My only Baby. My only Princess Menggay. My very own Nicomaine Dei. I love you nak." Bossing

Di na napigilan ni Meng na maluha. Pareho na silang nagpapahid ng luha pero may mga ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha.

"I love you too, Tay... Ano ba yan ang arte natin Tay, di bagay eh." Meng

"Oo nga nak. GV GV lang dapat. Kasal mo to eh kaya dapat smile..." Bossing

"Ikaw kaya nauna." Meng

"Eh... Yaan mo na minsan lang eh." Bossing

Nagkatinginan lang ang mag-ama at sabay na napatawa. Nabaling tuloy ang attension ng lahat sa kanila. At sabay sabay naring natawa.

Nahinto ang lahat ng biglang umalingawngaw sa chapel ang ring tone ni Sam.

"Ano ba yan Sam, 2016 na ganyan parin ring tone mo?" Jerald

"Pakialam mo ba eh syempre para madaling ma differentiate sa iba. Kita mo alam agad na akin kasi vintage na." Sam

"Sagutin mo na nga yan. Baka importante yan." Patring

"Hello? Rj? Po?" Sam

Napatingin ang lahat kay Sam lalo na si Menggay. Inaaninag nito ang ekspresyon sa mukha ni Sam.

"Rj?" Meng

"HA???" Sam

Bumalot sa buong systema ni Meng ang kaba sa narinig. Napakapit sya tuloy ng mahigpit sa braso ng ama.

"Paano? OSPITAL?????????" Sam

Nanlambot agad si Maine dahil sa narinig. Mabuti nalang at nasapo sya agad ng Tatay nya bago pa sya tuluyang bumagsak sa sahig. Nakita namang binaba ni Sam ang cellphone at patakbong lumapit sa mag-ama.

"Meng!" Bossing

"Sam??? Anong nangyari kay Rj??? Tell me, please tell me!" Maine

"May tumawag na kasama ni Rj sa operation. Nasa ospital daw si Rj,..." Sam

Nag-uunahang tumulo ang nga luhang kanina pa pinipigilan ni Meng na bumagsak. Yumakap nalang sya sa ama para kumuha ng lakas na makatayo.

Mabilis namang kumuha ng sasakyan si Jose at Wally. Pinauna na ni Bossing si Meng sa sasakyan bago magbilin ng mga instructions sa mga tao doon. Pagkatapos ay nagbyahe na sila papuntang ospital. Buong byahe ay iyak lang ng iyak si Menggay. Di rin ito makausap.

"Anak tatagan mo ang loob mo. Tumahan ka na baka ikaw naman ang mapano." Bossing

"Tay, si Rj... Baka may masamang nangyari sa kanya... Tay di ko kaya... Tay di ko kakayaning wala sya..." Umiiyak na sabi ni Meng sa ama

"Anak, hanggat hindi tayo dumarating doon di natin masasabi kung anong sitwasyon ni Rj. Dasal anak, ipagdasal nalang nating walang mangyaring masama sa kanya." Sagot naman ni Bossing

"Tay paano kung...." Meng

"Meng walang maitutulong sa sitwasyon natin ngayon ang pag-iisip mo ng masama. Kumalma ka. Pagdating natin sa ospital mamaya doon malalaman natin lahat. Tatagan mo lang ang loob mo anak. Diba nangako si Rj na di ka nya iiwan? Doon ka humugot ng tatag. May tiwala ako sa batang yoon. Panghawakan mo ang sinabi nyang kahit kailan di sya aalis sa tabi mo at di ka nya pababayaan." Bossing

Kinulong ni Bossing sa kanyang mahigpit na yakap ang anak. Nag-aalala din naman sya para kay Rj pero kailangan din nyang maging malakas para kay Meng.

Habang si Meng naman ay si Rj lang ang iniisip. Parang slideshow lang na bumuhos sa isipan nya lahat ng imahe ng pinagdaanan nila ni Rj. Lahat ng masasaya at ang mga di inaasahang malungkot na alaala.

Matagl tagal din ang byahe kaya mas lalong tumaas ang lebel ng kaba ni Meng. Pagdating sa ospital ay may sumalubong sa kanilang pulis.

"Si Richard po? Kamusta po sya? Nasaan po sya? Ano pong lagay nya? Maayos naman po sya diba? Please po, dalhin nyo pp ako sa kanya...." Sunod sukod na sabi ni Meng. Nagpatiuna na ang pulis at naglakad na sila.

Panay ang lingon at tingin ni Meng sa paligid. Hanggang sa may nakita sya signage na "⬅️ICU".

"ICU???? Sir...."

"Andoon po si Mr. Faulkerson, Maam." Pulis

"Meng!!!!!!" Sigaw ni Bossing ng tumakbo na si Meng papuntang ICU.







Good morning!!! Namiss ko po kayo. Short update lang po, hehehe
-Z

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon