49

4.2K 155 18
                                    

Maine's POV

Nagising akong may kakaibang sayang nararamdaman. Nagbalik tanaw ako sa mga nangyari kagabi. Then wala sa sarili kong itinaas ang kamay ko at tiningnan ang engagement ring na nasa daliri ko ngayon. Napapikit nalang ako at napausal ng isang panalangin.

"Lord, salamat po. Maraming salamat po sa lahat ng biyayang binigay mo sakin. Lalo na po yung pagdating ni Rj, hindi lang sa buhay ko, kundi sa mga buhay ng lahat ng taong mahal ko. Salamat po sa bagong yugto ng buhay naming to. Lord, kayo na po ang bahala samin ni Rj ah. Thank you po."

After kong magdasal ay tiningnan ko ulit ang singsing ko.

"Hay Richard Faulkerson Jr. You never fail to make me happy, Love. I love you Rj."

At naghanda na ako for this day. Pagbaba ko ng dining ay may nakahanda ng breakfast for me syempre prepared by Nana.

"Oh Menggay, umupo ka na't kumain. Nauna na si Tatay mo, maaga daw sya sa Brgy. Hall eh." Nana

"Sure na. Sabayan nyo na po ako."

"Kumain na kami ni Kenth sa likod. Sige lang kumain ka na jan. Saan ba punta mo ngayon?" Nana

"Hmmm. MP po. May kailangan lang ako tapusin doon then doon ko na hihintayin si Tatay. We'll have dinner together."

"Ah, di para nalang samin dito ang lulutuin ko?" Nana

"Magpapadala nalang akong lunch nila dito Na, and you will join us. Ok?"

"Bakit pati ako?" Nana

At dahil busog narin ako ay tumayo na ako at niyakap si Nana sa bewang.

"Please Nana, please....."

"Oh sya, sige na. Oh tapos na ba to? Di mo manlang naubos tong bacon Menggay." Nana

"Im full na po Nana. Sige po kunin ko lang gamit ko then alis na ko. See you later!"

Then lumabas na ako at nagdrive papuntang MP.

Pagpark ko palang ay sinalubong na ako ni Kuya Anjo at kinuha yung mga gamit ko.

"Good morning Maam!" Kuya Anjo

"Good morning Kuya! Kamusta po duty? Madami na bang costumers?"

"As usual Madam!" Kuya Anjo

Pagpasok ko ng MP ay nag greet lang ako ng mga guests namin then sinalubong naman ako ni V.

"Good morning! Tanggap mo message ko kanina?"

"Yups. Nasa table mo na. Naka prepare na lahat. Then yung ingredients na pina handa mo ok na." V

"Good. Paki sabi nalang kina JL na gagamit akong kitchen mamayang mga 10 ok? Tapusin ko lang tong paper works ko."

"Sure. Hmmm, kailan ka pala dadalaw sa QC?" V

"Baka sa Friday. Ihahatid ko si Rj sa NAIA eh. May flight sya then daan nalang ako doon para isahan nalang. Paki sabi narin kay Lala na prepare nya yung mga kailangan kong documents doon."

"Naka prepare na daw. Ikaw nalang hinihintay pero yung urgent sabi ko e e-mail nalang sayo para makita mo." V

"Good. Hmmm, yung suppliers pala natin? Wala naman tayong problema diba?

"No worries Madam. Ok po lahat ng transactions natin. Even yung sa QC wala ding problema." V

"Hmmm, yung start ng construction for the Makati Branch pala. Nakausap ko na sina Tatay, pupuntahan ko yun Saturday morning. Hmmm paki book akong Hotel para sa friday night. Yung malapit lang sa MP-QC. Doon na ako magstay for friday night para wala ng hassle."

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon