36

3.7K 166 21
                                    

"She said... She said she'll win me back." Rj

Sandali, ano daw? Napalapit tuloy ako sa laptop ko.

"Faulkerson........"

Nanlaki yung mata nya sa gulat.

"Mahal, are you ok?" Rj said with a worried face. Paano eh na Faulkerson ko.

"Ano ulit sabi nya?"

Nakita kong huminga syang malalim bago magsalita.

"She said, she'll win me back daw."

Ako naman ang napahingang malalim sabay sandal sa upuan ko at hawak ng sentido ko.

"Mahal..."

Napapikit narin ako.

"Ano sabi mo?"

Shit! Ano ba tong nararamdaman ko? Natakot ako bigla, i know mahal ako ni Rj pero syempre ilang taon ding naging sila. Eh kami? Linggo palang. Paano kung...

"Syempre sinabi kong may mahal na akong iba at ikaw yun Meng. Di kita ipagpapalit sa kanya. Meng ikaw lang, walang Cindy o sino man ang makakapantay sayo. Ikaw at ako, tayong dalawa lang."

Napatingin ako ulit sa lalaking nasa laptop screen ko ngayon. Sa lalaking mahal ko at mahal ako.

"Sorry for my reaction. Nabigla lang ako."

"I understand. But always remember na hinding hindi kita ipagpapalit sa kanya."

"I know. Pero kasi diba minahal mo rin sya eh. Tapos ang tagal nyo pa kaya nga sobra kang nasaktan noong nag break kayo diba? Eh ako? Ilang buwan palang tayong nagkakilalal tapos...."

Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi nagsalita na sya.

"Chef, hindi sa tagal ng pagsasama masusukat ang pagmamahal ko sayo. Eh ano kung ilang buwan palang tayong magkakilala? Meng sa loob ng ilang buwang yun, ikaw lang ang nagpasaya sakin ng ganito. Sayo ko lang naramdaman ang pagmamahal na tulad nito kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Ok?"

Tumango nalang ako. Andami kong naiisip na kung anu-anong scenes sa utak ko.

"I know andami mo ng iniisip jan, please, erase all of it. Walang mangyayaring makakasama sa relasyon natin. Hindi ako gagawa ng kahit anong makakasakit pareho satin."

Napangiti tuloy ako.

"Mahal manghuhula ka na ngayon? Alam mo na pati laman ng utak ko ah."

"Kasi meant to be tayo. Soulmates kaya nararamdaman ko na kung anong nararamdaman mo. Pati nga laman ng puso mo alam ko eh."

"Weah????? Oh sige ano?"

"It's not 'ano' mahal, it's 'Sino' and i know it's only me. Ako ang laman nyan kahit pustahan pa tayo."

Doon na ko kumalma at napatawa.

"Dami mo talagang alam noh?"

Nagpangiti na kami pareho.

"Pustahan tayo. Kapag tama ako papakasalan kita, pag tama ka papakasalan mo ako. Ano? Deal?"

Ngisi nya sabay taas baba ng kilay.

"Mahal sapak pag-uwi gusto mo? Eh lahat ng choices mo sayo lang beneficial eh."

"Sus, bakit ayaw mo? Edi kay...."

Susmeryoso naman mukha ko. Talaga naman!

"Sige .... Ituloy mo yan, wala kang babalikang girlfriend dito sa Pinas. Sinasabi ko sayo."

Barangay Pag-ibig (ALDUB FANFIC) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon