PROLOGUE

11.3K 314 216
                                    

One Kiss, One Lie
YoonMin FF
Genre: Romance • Humor • Angst
Written by: chimchimeeen

***

PROLOGUE

"Yoongi pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko kay Yoongi na mag-isang kumakain sa cafeteria. Tumayo si Yoongi para sundan ako nung umalis ako ng caf.

"Bakit?" Tanong nya nung nakarating kami sa may tapat ng gym. Walang tao sa gym ngayon dahil Monday at walang PE classes.

Kinakabahan ako. Alam ko namang masasaktan ako sa maririnig ko pero handa na ako. Ang tagal kong pinigilan lahat ng nararamdaman ko kahit alam kong wala akong pag-asa.

"Yung nangyari kagabi..." Bulong ko. Tinititigan lang ako ni Yoongi. Lahat kami lasing non pero alam kong totoo yon. Ramdam kong totoo lahat yon.

"Jimin sorry kung ano man yung ginawa ko kagabi, okay? Hindi ko alam. Hindi ko sadya." Sabi nya saka tinapik yung balikat ko. Napalunok ako sa sinabi nya.

"Hindi kasi yun Yoongi." Sabi ko saka nagkamot ng ulo, "Yung hinalikan mo ko--" biglang naputol yung sinasabi ko nung tinawanan ako ni Yoongi.

"Tangina Jimin di tayo talo. Bakla ka ba?" Tanong nya sakin kaya natahimik ako.

"Bakla ka ba?" Inulit nya yung tanong nya pero alam kong seryoso na sya, "Hindi ako bakla Yoongi..."

"Hindi ako bakla nung hindi pa kita nakikilala. Ayokong maging ganito Yoongi. Kung alam mo lang lahat ng pagpipigil ko na magkagusto sayo... kung alam mo lang. Hirap na hirap na ako Yoongi pero nung hinalikan mo ako kagabi, umaasa ako." Sabi ko saka hinawakan yung kamay ni Yoongi na halatang gulat sa lahat ng narinig nya.

"Umaasa akong may pag-asa akong mahalin mo rin ako Yoongi." Sabi ko, "Mahal kita." Naramdaman ko yung sakit sa likod ko. Tinulak ako ni Yoongi palayo sa kanya.

"Kadiri ka Jimin, layuan mo ako. Ayokong makita ka!" Sigaw nya bago ako iwanan.

At simula non, hindi na kami nagkita ulit.

--

This is a work of fiction. Names, places, bussinesses, events, etc are the products of author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is only coincidence. Plagiarism is a crime. Do not distribute, publish or transmit without the permission of the author.

NOTE: First time kong magsulat ng ganito but I will try my best para masatisfy kayo sa story na to. Yoonmin is life hihi.

ON-GOING

ON-HOLD

COMPLETE

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon