CHAPTER 49

2.5K 115 16
                                    

CHAPTER 49

I didn't leave.

Pakiramdam ko gumaan na rin yung pakiramdam ko kahit konti man lang simula nung nag-usap kami ni Mama. Kahit minsan sa buhay ko, hindi ko naisip na magkakaroon ako ng masinsinang usapan kasama si Mama. Lagi ko syang sinisigawan, inaaway at sinisisi pero unang beses pa lang ako nagmakaawa sa kanya.

Maybe I was so down. All I need is to feel loved. My parents care for me and they love me for who I am but I was too blind in the fact that they got seperated and our family will never be fixed.

But heck, I love both of them so much and I realized that I was too selfish. Gusto kong mabuo ulit yung pamilya namin kahit alam kong imposible dahil gusto ko maipagmamalaki ko sa iba na buo pa rin yung pamilya namin at masaya. But my parents aren't happy when they are together.

I was too blind to see that they're hurting because of me. And I don't want to cause pain to other people that I love.

That's why I stayed.

Marami pa akong dapat ayusin dito bago ako tuluyang umalis. I left my friends for me to be enlightened but I don't want to end everything we had.

Sila yung tumulong saking mabuhay at sinusuportahan pa rin naman nila ako ngayon.

Tinignan ko si Taehyung at Hobi hyung na masayang naglalaro ng xbox sa sala habang pinagtitimpla ko sila ng juice. Sarili kong condo to pero ako yung ginagawa nilang katulong at kanina pa nila ako inuutusan.

"Talo ka!! Bobo!" Sigaw ni Taehyung kay Hobi hyung kaya pinagsisipa sya nung kabayo naming kaibigan.

It's been days since Taehyung and I became okay. Nagulat na lang ako nun nung bigla syang sumulpot sa harapan ko nung nasa school ako at bigla nya akong niyakap.

He was sorry for everything he said pero wala naman syang dapat hingan ng tawad dahil ako ang may kasalanan. I listened to the devil inside me and I did what he wanted me to do... to kill myself.

Pero nagsisisi na ako ngayon at gusto ko na magbago. Salamat sa mga kaibigan ko at tinulungan nila ako maging ayos.

"Hoy mga supot, eto na juice nyo." Sabi ko saka nilapag yung juice sa center table. Sinamaan ako kunwari ni Hobi hyung bago uminom ng juice.

"Nagtimpla ka pa ng juice, parang tubig na eh." Sabi ni Hobi hyung. Napairap ako dahil puro sila reklamo. Pasalamat nga sila ginawan ko pa sila ng juice.

"Gusto ka nga pala makausap ni Jin hyung bukas." Sabi ni Hobi hyung pagkatapos nya inumin yung water juice na ginawa ko. Lasang tubig daw pero halos nakailang baso sya. Abnormal talaga sya kahit kailan.

"Oo nga, magkita kita na lang daw tayo sa school bukas." Sabi ni Taehyung. Napakunot yung noo ko sa sinabi nila. Simula nung nangyari sa ospital, hindi na ako pinansin ni Jin hyung kaya nagtataka ako kung bakit gusto nya akong makausap.

"Bakit daw?" Tanong ko saka uminom ng juice.

Taehyung shrugged, "Ewan."

"Baka may sasabihing importante. Wala naman syang sinasabi samin tuwing magkakasama kami." Sabi ni Hobi hyung.

Although I don't really admit it, I missed my hyung. Simula pa lang dati, sya na yung nagbibigay sakin ng payo at sya rin yung nag-aalaga sakin. Minsan nasasabi ko na lang sa sarili ko na sobrang tanga ko dahil sinaktan ko yung mga nag-iisa kong kaibigan na nandyan para sakin.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon