CHAPTER 17

2.7K 128 71
                                    

CHAPTER 17

"Hi." Awkward kong sabi kay Yoongi. Tinapik ni Taehyung yung balikat ko saka umalis. Tumingin ako sa sapatos kong bagong linis saka nagkamot ng batok.

"Hello, Jimin." Sabi ni Yoongi. Nakita kong dahan dahan syang lumapit sakin. Gusto kong tumakbo paalis kasi hindi ako handa sa mga sasabihin ni Yoongi.

Napansin kaya nyang gusto ko sya? Alam na ba nya? Tangina, hindi ako handa.

Kahit na kinakabahan ako, tumingin pa rin ako kay Yoongi. Nung nagtama yung mga mata namin, lumakas na naman yung tibok ng puso ko.

"Bakit mo ko pinapunta dito?"

Walang emosyon akong tinignan ni Yoongi kaya mas lalo akong kinabahan, "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nya.

"Kung may problema ka sakin, pwede bang sabihin mo?" Sabi ni Yoongi, "Kasi hindi ko kayang ganyan yung trato mo sakin, Jimin."

"Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sayo pero kung meron man, sorry Jimin. Sorry, okay?"

"Wala kang ginagawa at hindi ako galit sayo." Sabi ko kay Yoongi.

"Kung walang problema, bakit mo ko iniiwasan?" tanong ni Yoongi.

Manhid.

"May mga bagay na hindi mo na dapat alamin, Yoongi." Sabi ko.

Katulad ng nararamdaman ko para sayo.

"Katulad ng ano?" Sabi ni Yoongi saka ako hinawakan sa balikat, "Hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan ako na hindi mo ko pinapansin."

Tahimik lang akong nakikinig kay Yoongi. Ramdam ko yung inis nya sakin sa bawat salitang binibitawan nya, "Kasi Jimin bestfriend na yung turing ko sayo. Sa lahat ng nakilala ko dito sa tanginang school na to, ikaw yung tinuring ko na parang kapatid ko tapos bigla kang magiging cold sak--"

"Kahit sampung segundo lang, hayaan mo muna akong yakapin ka." Sabi ko kay Yoongi habang yakap yakap sya ng mahigpit. Naririnig ko yung paghinga ng malalim ni Yoongi.

Ganito pala yung pakiramdam kapag yakap yakap mo yung taong pinapangarap mo.

"Sorry." Bulong ko kay Yoongi. Naramdaman ko yung paghigpit ni Yoongi sa yakap naming dalawa.

Kung ako kaya yung unang nakilala ni Yoongi, ako kaya yung mamahalin nya at hindi si Eunice?

Bumitiw na ako sa pagkakayakap ko kay Yoongi saka ginulo yung buhok nya, "Thank you sa pagturing sakin bilang bestfriend mo, Yoongi. Pero marami ka pang makikilala na iba dyan para maging kaibigan mo."

Kumunot yung noo ni Yoongi, "Anong ibig mong sabihin?"

"Ayoko maging kaibigan mo." Sabi ko kay Yoongi, "Alam mo ba kung bakit kita kinaibigan?"

"Kasi naaawa ako sayo." Sabi ko na dahilan kung bakit ko nakita yung luha ni Yoongi.

Umiwas ako ng tingin dahil baka kainin ko rin lahat ng sinasabi ko ngayon.

"Naawa ako sayo nung nakita kong ginugulpi ka nila JB. Ganon ba ka-miserable yung buhay mo kaya walang kumakaibigan sayo? Kawawa ka, Min Yoongi."

"Hindi ako kawawa." Bulong ni Yoongi habang nakayuko.

"Kawawa ka kasi wala kang tunay na kaibigan sa school na to." Sabi ko. Napaangat si Yoongi ng ulo saka pinunasan yung mga luha nya.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon