WARNING: This chapter is about suicide. Read at your own risk!
CHAPTER 46
Nakatingin lang ako sa mga tao na sumisigaw sa baba. Sinesenyasan nila akong bumaba at umalis sa pwesto ko ngayon.
Huminga ako ng malalim saka tinitigan yung mga kaibigan ko na nagkakagulo sa baba. Nandito ako ngayon sa rooftop ng school at isang step na lang, mahuhulog na ako.
Handa na akong makasama si Yoongi. Sabihin na nating sobrang unfair ko sa mga taong nagmamahal sakin dahil gusto ko nang mamatay pero hindi ba ang unfair sa part ko na pinipilit yung sarili kong mabuhay kahit wala na akong dahilang mabuhay?
Simula nung iniwan ako ni mama para sa ibang lalaki, nagsimula na akong mawalan ng pakialam sa ibang tao. Alam ko kung gaano ako kamahal ng mga kaibigan ko pero napapagod din ako.
Pagod na ako sa lahat ng kagaguhang nangyayari sa buhay ko.
Kung hindi solusyon yung pagpapakamatay, ano pa yung ibang solusyon para mawala yung sakit na nararamdaman ko?
I'm already dead inside but I keep on waking up everyday to see how miserable my life is.
Pumikit na ako saka inisip si Yoongi. Yung mga alaala namin na hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.
Sana mapatawad ako ng mga kaibigan ko.
Eto na yung oras para isipin yung sarili ko. All this time, ibang tao na lang lagi yung inaalala ko. Lagi kong inaalala yung mga kaibigan ko dahil ayoko silang masaktan pati na rin si Yoongi. Wala na akong oras para sa sarili ko kaya sana pagbigyan naman nila ako ngayon.
Tatalon na sana ako nung naramdaman kong may kamay na humila sakin kaya nahulog ako sa sahig. Pagmulat ng mata ko, nakita ko si Suga na hingal na hingal habang nakaupo at umiiyak.
"Are you fucking out of your mind?" Sigaw sakin ni Suga saka ako tinulungang makatayo.
Iyak lang ng iyak si Suga sa harapan ko.
Bakit nya ako pinigilan? Sya naman yung may kasalanan kung bakit miserable yung buhay ko ngayon.
"I want to die." Sabi ko. Hinawakan ako ni Suga sa kwelyo at parang galit na galit sya sakin pero wala akong pakialam.
"I know I did something wrong pero kailangan bang umabot pa tayo sa ganito?" Sabi ni Suga. Hindi ako makatingin sa mga mata nya kaya nakayuko lang ako.
"Para mo na rin akong pinatay sa sobrang sakit." Sabi ko at lumabas na lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Please, don't do this." Sabi ni Suga saka ako niyakap. Rinig na rinig ko yung paghikbi nya kaya mas nasasaktan ako.
Mas nasasaktan ako dahil umasa ako na sya si Yoongi. Yung mga panahong pinaramdam sakin ni Suga na mahal nya ako na dapat si Yoongi yung gumawa, para akong pinapatay sa sobrang sakit tuwing iniisip ko yon.
"I'm okay, is that what you want me to say?" Tanong ko, "I have this talent to pretend that I'm okay even though I'm not."
Tinignan ako ni Suga, "I'm sorry. I know you have all the reasons to hate me but please don't end your life. There are so many people who love you. I'm one of those people, Jimin."
"If you really love me, do me a favor." Sabi ko, "Pretend that you don't know me. I'll do the same. Just forget my existence so it won't hurt when I die."
BINABASA MO ANG
One Kiss, One Lie | yoonmin
FanfictionPark Jimin ventures high school with his friends, only to cross paths with Min Yoongi who carries deep secrets. Jimin tries to figure him out, but falls in love in the process. But the person he fell in love with, disappeared for years and came back...