CHAPTER 38

2.7K 123 122
                                    

CHAPTER 38

The best proof of love is trust.

Yan agad yung bumungad sakin sa twitter habang tinitignan ko yung newsfeed ko.

Without trust, you can never have a happy relationship.

Kaya pala ako tinatanong ni Gab tungkol samin ni Yoongi. Meron palang "sila" noon bago pa bumalik si Yoongi dito sa Korea. Huminga ako ng malalim para subukang mawala yung inis na nararamdaman ko.

I trust Yoongi. I really do. Pero ginugulo pa rin ako ng picture na nakita ko. I shouldn't be jealous dahil ako naman ang mahal nya ngayon at paulit-ulit rin nyang sinasabi sakin na ako lang yung gusto nya.

But the case is different. Gab is here with us and I'm not even sure if Gab still feels something for Yoongi.

The worst thing about being lied to is knowing you're not worth the truth.

Pinatay ko na lang yung phone ko kesa mabasa yung mga quotes na nasa twitter. Iu-unfollow ko sila mamaya dahil mas pinapagulo ng mga quotes na yon yung nararamdaman ko.

Yoongi is not doing anything, right? Wala syang ginagawang mali. Ako lang yung nag-iisip at naghahanap ng butas para pagdudahan ko sya at nakakabaliw pala sa pakiramdam yon.

"Are you okay?" Tanong ni Jungkook. Tumango ako saka kinain yung ice cream sa cup na patunaw na pala dahil kanina ko pa hindi nagagalaw.

"Hindi ka mukhang okay." Sabi ni Jungkook, "Jimin, we've been friends for almost 7 years now. I know how you lie."

Tinignan ko si Jungkook at tama sya, sa lahat ng tao, yung mga kaibigan ko lang ang nakakaalam kung sino ba talaga ako. They've been with me for years and we know each other's secrets.

"Look, I'm okay. But there is something that keeps on bothering me." Sabi ko saka nilabas yung picture galing sa wallet ko. Pinakita ko yon kay Jungkook at parang nagulat si Jungkook nung nakita nya kung sino yung nasa picture.

"Si Yoongi to? Sino yung babae?" Tanong nya.

"Oo, si Yoongi yan. Si Gab yung babae. Gabrielle Son." Sabi ko. Kinain ko yung natitirang ice cream sa cup at umaasa ako na papakalmahin ako ng ice cream pero hindi nangyari.

"Nagdududa ka ba kung may relasyon sila hanggang ngayon?" Tanong ni Jungkook. Napatingin ako sa kanya at hindi ako makasagot.

Hindi ako makasagot hindi dahil sa nagdududa talaga ako kay Yoongi pero dahil sa nararamdaman ko. It's not Yoongi whom I don't trust.

"I trust Yoongi so much. I just don't trust Gab. Pakiramdam ko may gusto pa rin sya kay Yoongi." Sabi ko.

"You should ask Yoongi about this. Kailangan mo lang ng assurance na hindi ka nya ipagpapalit kay Gab." Sabi ni Jungkook saka sinoli sakin yung picture.

Nakatingin lang ako sa picture. Should I ask him about his past relationship with Gab?

Hanggang sa byahe namin pabalik sa school, iniisip ko pa rin yon. I know I shouldn't doubt Yoongi but I just need an assurance.

Kailangan kong makasigurado na hindi nya ako ipagpapalit sa dating gusto nya.

Nakatingin lang ako sa bintana habang iniisip kung paano ko itatanong kay Yoongi yung tungkol sa relationship nila ni Gab.

Dati si Eunice lang pinoproblema ko, ngayon pati si Gab.

Huminto yung sasakyan at nakita kong traffic. Mas matagal na byahe, mas kinakabahan ako. Napatingin ako sa convenience store na nakita ko.

One Kiss, One Lie | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon