CHAPTER 10
Hindi ako nakatulog dahil sa mga narinig ko kay Jungkook. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang layuan para mawala na yung pagkagusto nya sakin o magpanggap ako na parang wala akong narinig.
"Goodmorning." Bati sakin ni Yoongi. Kakalabas lang nya ng cr tapos nagpapatuyo sya ng buhok nya. Tumingin ako sa orasan, 9 am na. Hindi sya pumasok?
"Bakit nandito ka pa rin?" Tanong ko. Sya lang yung nandito kasama ko. Wala si Jungkook. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi nya.
"Umalis sya kagabi nung tulog ka na." Sabi nya, "Pero dumaan sya dito kanina, nagpadala kasi ako ng pamalit kong damit."
Tumango na lang ako. Wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko, para akong niloko. Tinuring ko si Jungkook bilang kapatid dahil yun naman talaga yung turingan ng mga magto-tropa diba? Kapatid. Kapatid lang.
Pero mas binabagabag ako nung huli nyang sinabi. Kung magkakagusto rin daw ako sa kapwa ko lalaki, sana sya daw ang magustuhan ko at hindi si Yoongi.
Napatingin ako kay Yoongi na nagsusulat na naman sa isang papel. Lagi ko na lang syang nakikita na nagsusulat.
"Para saan yan?" Tanong ko kaya napahinto sya. Huminga sya ng malalim saka tipid na ngumiti, "Letter para kay Eunice."
"Hindi naman na nya mababasa yan." Sabi ko. Totoo naman, hindi naman na mababasa ni Eunice yung mga sinusulat nya. Isa pa, kaya hindi sya makalimot dahil pilit nyang inaalala si Eunice.
"Pinupuntahan ko sya lagi tapos binabasa ko sa kanya yung mga sinusulat ko." Sabi ni Yoongi. Kitang kita ko sa mga mata nya na nangungulila sya, "Para sakin kasi, buhay pa rin sya. Sya lang naman yung minahal ko ng ganito. Hindi ko sya kayang iwan kaya ginagawa ko to."
Natahimik ako. Ano bang alam ko tungkol sa ganyan? Hindi pa naman ako nagmamahal. Puro paglalaro lang ng babae yung alam ko.
"Kaya ba hindi ka sumama sa kuya mo dahil kay Eunice?" Tanong ko.
Tipid syang ngumiti saka tumango, "Oo. Tangina, nakakabakla man to pero sobrang mahal ko sya, Jimin."
"Wala akong alam dyan." Sabi ko, "Ano bang alam ko? Hindi naman ako nagseseryoso sa mga ganyan."
"Wala bang nagkakagusto sayo?" Tanong ni Yoongi.
Napahinto ako nung naisip ko bigla si Jungkook. Hindi ako nandidiri kay Jungkook. Sya pa rin naman si Jungkook na tinuring kong kapatid eh. Nagulat lang ako sa mga narinig ko. Para akong nananaginip, hindi ko kayang paniwalaan lahat ng narinig ko.
"Walang nagkakagusto sakin." Sabi ko na lang. Baka biglang magsuka si Yoongi kapag sinabi kong gusto ako ni Jungkook.
Biglang may kumatok at nakita ko si Arian. Kumaway sya kay Yoongi saka lumapit sakin, "Ayos ka na ba?"
"Ayos lang ako. Gwapo pa rin naman ak-- Aray!" Napahawak ako sa tiyan ko nung pinalo ako ni Arian don. Parang tanga tong babaeng to, alam na may saksak ako sa tiyan tapos doon ako papaluin.
"Nasaksak ka na nga, mahangin ka pa din." Sabi nya saka umupo sa upuan sa tabi ng kama ko.
"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang trabaho o kaya pasok man lang?"
"Ayaw mo ba ako dito?" Tanong nya. Umiling ako saka ginulo yung buhok nya, "Salamat sa pagdalaw."
Narinig kong umubo si Yoongi kaya napatingin kami pareho sa kanya, "Alis muna ako. Bibili lang ako ng pagkain ko."
BINABASA MO ANG
One Kiss, One Lie | yoonmin
FanfictionPark Jimin ventures high school with his friends, only to cross paths with Min Yoongi who carries deep secrets. Jimin tries to figure him out, but falls in love in the process. But the person he fell in love with, disappeared for years and came back...