CHAPTER 47
Pagmulat ng mata ko, puting pader yung bumungad sakin. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa dextrose na nakatusok sa kamay ko.
Bakit ako nandito?
Sana hindi na lang nila ako dinala dito. Bakit pa nila ako niligtas? Ayoko na, sawa na ako sa buhay ko.
"Jimin." Narinig kong sabi ng mga kaibigan ko. Tinignan ko sila at nakita ko silang umiiyak.
Niyakap ako bigla ni Hobi, "Akala ko mawawala ka na. Buti na lang nakita ka ni Yoongi."
Yoongi.
Hindi naman sya si Yoongi. Patay na si Yoongi, wala na sya. Hindi na namin sya makikita ulit. Hindi ko alam kung bakit Yoongi pa rin yung tawag nila sa manloloko na yon.
"Jimin bakit mo ginawa yon? Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Jin sakin. Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit anong gawin sakin sa ospital na to, yung sakit na nararamdaman ko pa rin yung naiisip ko.
Si Yoongi lang naman yung gusto ko makasama pero bakit hindi nila ibigay sakin yon?
"Napaka-selfish mo, Park Jimin." Sabi ni Jin saka pinunasan yung luha nya, "Akala ko ba kaming mga kaibigan mo yung dahilan kaya ka nagbago? Akala ko ba kami yung dahilan kung bakit hindi ka na naglalaslas? Nandito pa rin naman kami para sayo, Jimin. Kahit kailan hindi ka namin iniwan at pilit ka naming iniintindi kasi mahal ka namin."
"Hindi nyo ko maintindihan." Sabi ko. Sinapak ni Namjoon yung pader saka tumingin sakin.
"Hindi mo man lang ba kami pinapahalagahan? Alam naming mahal mo si Yoongi at kahit kailan pilit naming iniintindi lahat ng ginagawa mo pero sumosobra ka na, Jimin!" Sigaw sakin ni Namjoon.
Bakit ganon? Kahit anong sigaw nila sakin, wala akong akong maramdaman? Siguro nga ganito kapag nasaktan ka na at sobrang pagod ka na. Gusto ko lang naman tapusin yung buhay ko para hindi na ako masaktan. Maraming nangyayari sakin na kahit kailan hindi maintindihan ng ibang tao.
Sa lahat ng mga taong minahal ko, si Yoongi lang ang nagparamdam sakin na mahalaga ako. Lahat ng pagbabalewala sakin ng mga magulang ko, si Yoongi ang nagsukli sakin ng atensyon. Si Yoongi ang comfort zone ko. Kay Yoongi lang naman ako masaya pero bakit pinagkakait nila sakin yon?
"Wala lang ba kami para sayo?" Tanong ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya, "Naghiwalay kami ni Arian at hindi ko alam kung anong nangyayari sa pamilya ko pero hindi ko ginawa tong kagaguhan na to dahil kayo lang ang iniisip ko."
"Alam kong selfish ka, Jimin. Pero hindi ko inexpect na ganito ka pala ka-selfish na gagawa ka ng bagay na hindi man lang iniisip yung mararamdaman namin." Sabi ni Hobi at kitang kita ko yung sakit sa mga mata nya.
"I don't think we should stay here." Jin said coldly. Tinignan nila ako bago sila umalis pero naiwan si Taehyung na nakatayo sa tabi ko.
Tinignan ko sya saka tinanong, "Hindi ka pa ba aalis?"
Tinignan nya ako saka pinunasan yung luha nya, "Pakiramdam ko, ako ang pinakawalang kwentang tao. Jimin, ako yung bestfriend mo pero hindi ko man lang nagawa lahat para pigilan yung ginawa mo. Jimin importante ba ako sayo? Alam mo namang ikaw lang ang meron ako, kayo lang ang meron ako."
Seeing Taehyung cry because of me makes me feel guilty. Taehyung is the most precious friend I have.
"Jimin, sobra mo kong sinaktan." Sabi ni Taehyung saka tipid na ngumiti sakin, "Magpagaling ka."
BINABASA MO ANG
One Kiss, One Lie | yoonmin
FanfictionPark Jimin ventures high school with his friends, only to cross paths with Min Yoongi who carries deep secrets. Jimin tries to figure him out, but falls in love in the process. But the person he fell in love with, disappeared for years and came back...