CHAPTER 12
"Hi Eunice." Sabi ni Yoongi saka nilapag yung dala nyang mga bulaklak para kay Eunice. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos nya yung lapida ni Eunice.
"Sorry kung hindi ako nakapunta nung isang araw. Busy kasi ako sa school pero nagsulat pa rin ako ng letters para sayo." Sabi ni Yoongi saka nilagay yung mga nakatuping papel sa isang maliit na box sa tabi ng lapida ni Eunice. Doon siguro nilalagay ni Yoongi lahat ng letters para kay Eunice.
"Okay ka lang ba dyan? Isang taon na rin pala. Hanggang ngayon sarili ko pa din yung sinisisi ko." Sabi ni Yoongi. Umupo ako sa tabi nya kaya pinigilan nya yung luha nya.
"Ako lang naman to. Kung gusto mong umiyak, ayos lang." Sabi ko kaya tuluyan nang bumagsak yung mga luha ni Yoongi.
Hindi naman porket lalaki kami, hindi na kami pwedeng umiyak. Kapag umiyak kami, ibig sabihin totoo yung nararamdaman namin. Hindi kami mabilis umiyak pero may pakiramdam kami.
"Alam mo ba Jimin, minsan naisip ko na mamatay na lang din? Kasi si Eunice ang buhay ko. Nandyan sya lagi para sakin kapag kailangan ko ng kasama. Sya yung nagparamdam sakin na pwede rin pala akong mahalin." Sabi ni Yoongi. Tipid syang ngumiti saka pinunasan yung luha nya, "Mukha na siguro akong bading sa harapan mo ngayon."
"Gago, hindi. Kahit naman sobrang gwapo ko, umiiyak pa rin naman ako ah." Sabi ko kaya tumingin sya sakin, "Napakahambog mo." Sabi nya kaya natawa na lang kami pareho.
"Tignan mo, marunong ka rin naman palang tumawa. Alam mo Yoongi, naiintindihan ko na masakit para sayo yung nangyari kay Eunice pero kaya nga nauso yung salitang acceptance diba? Hindi ako magaling sa English pero alam ko yung salitang yon. Don't judge, pre."
"Don't judge amputa. Bobo rin naman ako sa English." Sabi nya.
Tinapik ko yung balikat nya, "Kailangan mo lang naman tanggapin. Saka hindi porket si Eunice yung nagparamdam sayo nung mga bagay na yon, hindi na kaya ng ibang tao na iparamdam ulit sayo yon. Hindi man madali pero marami pang iba dyan, Yoongi. Hindi madali maghanap ng bagong babae pero mararamdaman mo naman yan diba?"
"Akala mo talaga love expert ka." Sabi sakin ni Yoongi. Aba! Ang haba ng sinabi ko tapos eto lang sasabihin nya? Hayop to.
"Hindi porket wala akong lovelife, gaganyanin mo na ako ah. Kaya kong maghanap ng lovelife ng ilang minuto lang pero ayokong gawin dahil sayang lang sila sa oras." Sabi ko na nagpatawa kay Yoongi.
"Si Arian? Ayaw mo ba sa kanya?"
Umiling ako, "Hindi ko sya gusto. Oo, sabihin na natin na lagi ko syang tinutulungan. Na lagi akong nandyan para sa kanya pero hindi naman ibig sabihin non, dapat gusto ko sya para magawa ko yung mga bagay na yon."
Nakatingin lang sakin si Yoongi kaya tinignan ko rin sya. Hindi ko alam kung bakit napakakomportable ko kay Yoongi. Sa lahat ng tropa ko, sya yung unang una na lagi kong inaalagaan.
Parang kapatid na siguro talaga turing ko kay Yoongi... kapatid lang.
Nagulat kami pareho nung bigla kaming nabasa. Umuulan pala hayop na panahon to! Kung kailan wala kaming dalang payong saka umulan.
"Wrong timing na ulan, bwisit!" Sigaw ko nung nakasilong na kami sa may puno.
Niyakap ko yung sarili ko para di ako masyadong lamigin, "Mukhang may bagyo pa ata ah." Sabi ni Yoongi kahit na nanginginig yung boses nya.
"Yoongi..." Pagtawag ko sa pangalan nya kaya tumingin sya sakin, "Ayos lang ba?"
"Ang alin?"
BINABASA MO ANG
One Kiss, One Lie | yoonmin
FanfictionPark Jimin ventures high school with his friends, only to cross paths with Min Yoongi who carries deep secrets. Jimin tries to figure him out, but falls in love in the process. But the person he fell in love with, disappeared for years and came back...