CHAPTER 8
"Hoy, Yoongi." Sabi ko kay Yoongi. Napatingin sya sakin at nakita kong umiiyak sya.
Hinawakan nya yung mukha ko, "Jimin?" Tanong nya. Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko saka sya inalalayang tumayo para umuwi na pero tinulak nya ako palayo.
"Umuwi na tayo, Min Yoongi."
Umiling sya, "Ayoko. Ayoko sa inyo, gusto ko sya lang." Sabi ni Yoongi saka umiyak. Umupo ako sa harapan nya saka sya pinanuod na umiyak. Parang hirap na hirap si Yoongi sa mga nangyayari kahit wala naman akong alam.
Huminga ako ng malalim, "Kung gusto mo pang uminom, sasamahan kita. Mag-inuman tayo." Sabi ko kay Yoongi pero nakayuko pa din sya habang umiiyak.
Umorder pa ako ng isa pang beer para sakin. Habang hinihintay ko yung beer, hindi ko maiwasang isipin kung bakit nagkakaganito si Yoongi sa harapan ko. Hindi ako sanay.
"Alam mo, magkaibigan naman na tayo diba? Pwede mo namang sabihin sakin yung problema mo." Sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumisi si Yoongi saka pinunasan yung luha nya.
"Ayos lang ba sayo?" Tanong nya sakin. Napakunot naman yung noo ko, "Oo naman."
Huminga sya ng malalim saka uminom muna bago magsalita, "Kilala mo naman si Eunice diba?" Tumango ako. Kilala ko si Eunice sa pangalan pero hindi ko pa sya nakikita.
"Patay na sya."
Natahimik ako sa narinig ko. Nakaramdam ako bigla ng awa kay Yoongi. Tumulo na naman yung mga luha nya pero pinunasan nya yon agad.
Tipid syang ngumiti, "Kasalanan ko lahat." Wala akong masabi para gumaan yung pakiramdam nya. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi naman salita yung kailangan ng isang tao para gumaan yung loob nya. Kailangan nilang maramdaman na hindi lang sila yung nakakaramdam ng ganito.
"Paano mo nasabi?"
"Kung hindi sana ako nagdesisyon na sumama kela kuya, hindi sana nya ako susundan." Nakayuko lang sya pero kitang kita ko yung sunod sunod na pagpatak ng luha nya, "Hindi sana sya maaaksidente at hindi sana sya namatay."
Dumating na yung beer ko kaya uminom agad ako. Wala sa plano ko ang maglasing ngayong araw dahil may pasok kami bukas pero kailangan ni Yoongi ng kausap.
"Alam mo Yoongi, wag mong akuin yung kasalanan. Kung nagdesisyon kang umalis, hindi ba dapat tinanggap na lang nya yon? Kung mahal nyo talaga yung isa't-isa, dapat tanggap nyo yung mga desisyon na gagawin nyo. Kung tinanggap ni Eunice yung desisyon mo, hindi sya maaaksidente." Sabi ko saka nilagay yung daliri ko sa noo ni Yoongi, "Yun yung isaksak mo sa utak mo."
Natahimik na si Yoongi pagkatapos. Alam kong masakit sa kanya yung mga nangyayari. Wala man ako sa pwesto nya at hindi ko alam kung ano yung nararamdaman nya, gusto kong iparamdam at mabago yung pag-iisip nya.
Nag-taxi na kami pauwi at kahit hilong hilo kaming dalawa, nagawa pa rin naming makapasok sa school ng maayos at nakarating na sa dorm.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Taehyung saka si Jungkook sa kwarto namin habang nanunuod ng tv. Napakunot pareho yung noo nila nung nakita nila kaming pagewang-gewang.
Tinulungan namin si Yoongi na makahiga ng maayos sa kama nya at natulog na sya agad.
"Jimin." Pagtawag sakin ni Taehyung. Gusto ko na ipikit yung mga mata ko pero hinihintay ko pa yung susunod na sasabihin ni Taehyung.
"Bakit hindi kayo nangsama?"
Hinagisan ko sya ng unan. Akala ko naman kung anong importante yung sasabihin nya kaya hindi pa ako natulog.
BINABASA MO ANG
One Kiss, One Lie | yoonmin
FanfictionPark Jimin ventures high school with his friends, only to cross paths with Min Yoongi who carries deep secrets. Jimin tries to figure him out, but falls in love in the process. But the person he fell in love with, disappeared for years and came back...