Richard POV
Time check: 8:14 pm
Magfa-family vacation daw kami sabi ni daddy. Kasama daw namin sila Charmaine. Pati si tito tsaka tita.
Tawagan ko kaya si Charmaine?
"Hello?"
(Napatawag ka?)
"Wala naman. Wala lang akong makausap."
(Ahh. Diba busy ka?)
"Ha?"
(Kayo ni Anne. Yung BESPRINCESS mo.)
"Ahh. Kanina pa yun noh! Tampo agad."
(Whatever.)
"Nag dinner kana?"
(Not yet. Wala sila mommy.)
"Sige. Wag ka munang kakain. Dyan ka lang sa kwarto mo."
(Ha? Bakit? Anong gagaw~)
Call ended..
Binaba ko agad. Nag shower ako tsaka nagbihis. Then, bumaba nako.
Charmaine POV
"Ha? Bakit? Anong gagaw~"
*toot toot*
Wow?
Binaba nya.
Wag daw akong lalabas dito sa kwarto ko.
Wag muna daw ako kakain.
Ikukulong nya ba ko?
Tapos, mamatay ako sa gutom?
Ganoin?
Grabe naman yung iniisip ko. Ang harsh. >.<
Ano ba kasi plano nya?
10 minutes later..
May naririnig akong bumubukas ng doorknob ko.
Shiznit'! Nanonood pa naman ako ng horror movie. >.<
Di naman kumakatok.
"Sino yan?" Tanong ko. Walang sumasagot.
"S-sino yan?!" Nagkumot ako. Yung mata ko lang yung nakasilip. Yung buong katawan ko nakatakip.
Inikot uli yung doorknob.
Kaya ko to.
Bubuksan ko yung pinto. Tapos, look around. Tapos.
Tumayo ako tsaka hinawakan ng dahan-dahan yung doorknob.
Lord, kaya ko to.
Binuksan ko yung pinto ng mabilisan. Inikot ko yung paningin ko.
Wala naman eah!
So, sino yun?
Maygulay.
Sinara ko uli yung pinto.
"Ay, GULAY NI MARIA!!" Biglang nasa harap ko si Richard.
"ANO BA NAMAN YAN!!!!!!! ANO KA BA, APARISYON?!" Sigaw ko.
"Sorry! Haha." Tumawa sya.
"Pano ka nakapasok?!" Tanong ko.
"Sa balcony. Umakyat ako sa puno."
"Ha?! Eh sino yung bumubukas ng doorknob ko?"
"Ewan ko. Pag-akyat ko, nakatayo ka na dyan sa may pinto."
Ha?!
"Richard naman! Wag ka ngang nananakot!"
"Maine, seryoso man. Pag-akyat ko talaga nakatayo kana dyan sa may pinto."
So, sino?!!!!!!!!!
May kababalaghan bang nangyayari sa bahay na to?
Kelangan to ipabless lalo na tong kwarto ko.
"Hayaan mo na!" Sabi nya. Umupo ako sa kama.
"Eh, naman kasi! So, sino yun? May kababalaghan na nangyayari di~" nahinto ako nung nakita kong nakapatong sa kama yung pagkain na galing sa mcdo, nakaplastik.
"Dala mo?" Tanong ko.
"Ikaw talaga, basta pagkain noh?!" Tanong ni Richard tsaka umupo sa tabi ko. "Kain na."
"So, dala mo to?" Tanong ko uli
"Ay, hinde!! Binigay nung multong bumubukas ng pinto mo... Oo nga! Kain na. Pili ka nalang mg gusto mo." Sabi nya. Kinuha ko yung Chicken.
Mahilig ako sa manok. ^.^
"Salamat dito ah." Sabi ko habang punong-puno ng pagkain yung bibig ko.
Di ako maarte kaya nagsaalita ako kahit may laman bibig ko.
"Welcome." Paglingon ko, nakatitig lang sya sakin ng nakangiti.
Richard naman eh!
Sabi ko sayo marupok yung kalaban mo! >.<
Eh, ang gwapo mo kasi eah!
Nakakainis na ah!
"Matunaw ako, uy." Sabi ko tsaka uli sumubo.
Nagku-kwentuhan lang kami. Ewan ko. Tawanan. Masarap syang kasama, aaminin ko.
Ang gwapo nya talaga.
Wala lang.
Gwapo sya.
Gusto ko sya.
Gusto ko lang.
Period.
Richard POV
"Chamme, aalis nako. 11 na eh. Baka hanapin ako nila Daddy."
"Nagpaalam kaba?"
"Oo."
"Oh, sige. Ingat ka." Niyakap ko sya.
Grabe.
Ang sarap sa feeling.
Na yakap mo yung babaeng kala mo,
Hindi mo makaka-close.
Yung hindi ka papansinin.
Pero, tignan mo.
Nasa mga kamay ko na.
Kumalas ako sa yakp tsaka na nagpaalam uli.
"Wag ka na sa balcony dumaan. Baka mahulog kapa sa punong yan. Samahan kita." Sabi nya.
"Nandyan na ba sina Tita?"
"Oo. Dala mo ba sasakyan mo?"
"Oo, pinark ko sa medyo malayo para walang makakita."
"Ah. Sige, tara."
Sinamahan nya ko lumabas ng bahay. Buti nalang tulog na sina tita. Hinayaan nya munang lumayo ako bago sya pumasok ng bahay.
**
A/N: Sorry na bitin. 😂Sa akyat bahay session lang yan eh. Update ako bukas yung marame. Yung parang kahapon.
~author 💋
BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
FanfictionMaybe you lost someone you never expected you would lose. Maybe you lost yourself. That's even worse. When you have bad days that just won't let up, I just hope that you will look in the mirror and remind yourself of what you are and what you are no...
